Mga Pamahiin Tungkol sa Buhok

0
344

Itinuturing na ‘crowning glory’ ang buhok ay isa sa pinakamahirap na masira na bahagi ng katawan ng tao. Ang buhok ay mayroon ding malaking papel tungkol sa mga alamat sa matagal nang panahon. Kaya naman natural lamang na marami ding mga pamahiin ang iniuugnay sa buhok.

1. Ang biglang pagkalagas ng buhok ay sinasabing malas na nagbabanta ng paglala ng masamang kalusugan, pagkawala ng ari-arian o pagkalugi sa negosyo o kaya naman ay pagkamatay ng bata mula sa malapit na kamag-anak.

2. Ang pulang buhok ay iniuugnay sa pagiging mainitin ng ulo.

3. Ang itim at dark brown na buhok ay indikasyon ng kalakasan ng isang tao.

4. Ang magandang buhok ay nagpapahiwatig ng pagiging mahiyain.

5. Ang mga buhok na lumalago ng mababa sa noo at likod ng lalaki ay nangangahulugan ng mahabang buhay.

6. Kung ang babae ay biglang nagkaroon ng kulot na buhok sa kanyang noo ay nangangahulugan na ang kanyang kaparehang lalaki ay hindi na mabubuhay ng matagal.

7. Ang kulot na buhok ay nagsasaad ng mabuting kalooban at pagkakaroon ng labis na kasiyahan.

8. Ang mahabang buhok ay indikasyon ng kalakasan at suwerte.

9. Upang malaman ang iyong hinaharap, sunugin sa apoy ang ilang hibla ng buhok.

10. Huwag bunutin ang isang puting buhok, dahil mapapalitan ito ng sampu

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here