Mga Pamahiin Tungkol sa After Life – Heaven o Hell?

0
211

Tayong mga Pilipino ay naniniwalang ang kaluluwa ng tao kapag nilisan ang katawang tao nito ay may pinupuntahan – sa langit o sa impiyerno. Hindi maikukubling lahat halos ng tao ay umaasam na sa langit mapunta kasama ang mga santo, mga banal at ang Diyos.

Sa kabila nito, kinatatakutan naman na magtungo ang kaluluwa ng tao sa tinatawag na dagat-dagatang apoy o ang impyerno. Kung saan pinaniniwalaang ang mga makasalanan, iyong hindi sumunod sa pinag-uutos ng Diyos ay walang hanggang paghihirap ang daranasin sa impyerno. Narito at inyong alamin ang ilan sa mga pamahiin hinggil sa ikalawang buhay – kung sa langit o impyerno ba tutungo ang kaluluwa ng namayapa.

1. Pinaniniwalaang kapag tinamaan ng kidlat ang bahay ng isang taong malapit nang mamatay, ang demonyo ay dumating na upang kunin ang kaluluwa ng mamamatay.

2. Kung ang tao na namatay ay nakabuka ang bibig at mga mata, pinaniniwalang sa impyerno mapupunta ang kanyang kaluluwa.

3. Kapag nanaginip ka ng isang namayapang tao na nasa antas ng galit o balisa ang namatay, ibig sabihin ay nasa impyerno ang kaluluwa nito. Gayundin, kapag napanaginipan mo naman sila na nasa maayos na sitwasyon ay ibig sabihin nito na ang kanilang kaluluwa ay napunta sa langit.

4. Kapag biglang umulan nang panandalian pagkatapos ilibing ang isang patay, ibig sabihin nito na natagpuan ng taong iyon ang walang hanggang kasiyahan at pamamahinga. Ang isa pang pamahiin hinggil sa paniniwalang ito ay nagsasabing kapag kumidlat pagkatapos ng libig ng isang namatay ay nagsasabing ang namatay ay tumungo na sa langit.

5. Kung ang turtle-dove ay lumipad nang paitaas pagkatapos ng pagkamatay, ang kaluluwa ng namatay ay tutungo sa langit.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here