Mga Pamahiin sa Hapag-Kainan

831
A rural family eating togother

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin mawala sa mga Pilipino ang mga pamahiin o matandang paniniwala. Sa usapin ng hapag-kainan ay marami pa rin tayong mga pamahiin na sinusunod o bahagi ng ating pang-araw-araw na buhay. Narito ang ilan sa mga ito…

1. Huwag kumain ng manok sa New Year’s Eve/Day. Bagkus, kumain ng 12 rounds fruits pagsapit ng midnight ng matatapos na taon.

Ang mga tradisyon sa Bagong Taon ay tungkol sa pagsi-set ng tono para sa susunod na taon. Pinaniniwalaang anuman ang ginawa o hawak mo sa New Year’s Eve ay magdodomina ng susunod na taon.

Ang simbolismo ay malaki ang papel sa pagpili natin ng pagkaing kakainin sa Bagong taon. Alam natin kung paano kumain ang manok: humuhukay sila sa lupa kapag sila ay nagugutom. Ang pagkain ng manok sa pagsapit ng unang araw ng Enero ay naglalagay sa panganib sa kumain nito ng mahirap na taong darating, mapupuwersang magtrabaho ng mahirap upang makakain. Ang mga bilog na prutas naman ay simbolo ng kasaganan. Ang kanilang hugis ay kumakatawan ng pagpapatuloy, kaya ang pagkain ng 12 prutas ay mangangahulugan ng kasaganaan sa buong taon.

2. Kapag nahulog ang kagamitan sa hapag-kainan ay may darating na bisita.

Ang kutsara ay babae, samantalang ang tinidor ay lalaki.

3. Huwag umalis sa dining table hangga’t hindi tapos lahat ang kumakain. Kapag ginawa ito, hindi na mag-aasawa ang pinakahuling kumakain.

Ang pagkain sa hapag-kainan ay sagrado. Dahil ang pagsasama-sama sa hapag-kainan ay nagpapakita ng pagsasama-sama ng lahat ng kumakain, ang pag-alis o paglilinis ng pinag-kainan habang may kumakain pa ay sumisira sa magic na ito, ang naiwang kumakain pa ay habambuhay nang mag-iisa.

4. Ang pagdadala ng pagkain mula sa lamay ay malas.

Marami tayong tradisyon na umiikot sa mga patay upang irespeto ang ating mga mahal sa buhay na lumisan na. Habang tradisyon na magbigay ng pagkain sa mga naglalamay sa okasyong ito, pinaniniwalaan ding anumang pagkain na dinala mula sa lamay ay magdudulot ng kamalasan sa kumuha ng pagkaing ito.

5. Ang mga buntis ay dapat umiwas sa pagkain ng ginger root dahil magkakaroon ng extra toe o finger ang kanilang baby

Sinasabing ang cravings ng babae ay clues kung ano ang magiging baby ng ina. Iyong mahilig sa pointed, long-stemmed vegetables ay pinaniniwalaang nagdadala ng lalaki. Kung ang ina ay nais ng crabs, inaasahang manganganak siya ng batang malikot ang kamay.

Sa kalaunan ay lalo pang lumawak ang mga paniniwala. Ngayon, anuman ang kinakain ng magulang ay nakakaimpluwensya sa karakteristiko ng kanyang baby. Ang pagkain ng twin banana ay sinasabing magreresulta sa twin babies, habang ang ginger root, na parang mga kamay ng bata, ay sinasabing dahilan upang magkaroo ng ekstrang daliri ang baby.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here