Mga Pamahiin sa Bahay

0
343

Isa sa pinakamahalagang ari-arian ng tao ay ang kanyang bahay o tahanan. Dito kadalasang nagsisimulang bumuo ng mga pangarap ang tao tulad ng pagkakaroon ng pamilya, negosyo o iba pang pangangailangan sa buhay. Mahalaga sa tao ang kanyang bahay kaya naman ang mga pamahiin o paniniwala ng tao tungkol dito ay binibigyang pagpapahalaga totoo man ito o hindi.

1. Kapag ang hagdan ng bahay ay mayroong labintatlong baitang, ang may-ari ng bahay ay maagang mamatay o kaya ay maghihirap.

2. Kapag mayroong rocking chair sa inyong bahay, iwasang iwanan ito nang umuugoy sapagkat malamang sa sakyan ito ng masamang espiritu.

3. Kapag may bumahing habang ikaw ay paalis na ng iyong bahay, huwag mo nang ituloy ang iyong lakad dahil baka may sakunang mangyayari sa iyo.

4. . Hindi sinusuwerte ang bahay na ang front door ay hindi nakaharap sa kalye.

5. Kapag magpapagawa ng bahay, ilagay ang pinto sa gawing silangan para masikatan ng araw, sa gayon ay maghahatid iyon ng suwerte sa mga nakatira doon.

6. Kapag nakabili ng biik, iligid mo ito sa poste ng inyong bahay ng pitong beses upang hindi ito maglayas.

7. Malas ang anumang bahay na ginawa sa ika-13 ng anumang buwan.

8. Sa babaeng may asawa, kailangang kanang paa palagi ang unang ihakbang tuwing uuwi ng bahay upang hindi masira ang kanilang pagsasama.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here