MGA PALATANDAAN NA SPIRITUALLY CONNECTED KAYO NG ISANG TAO

3057

Naramdaman mo na ba ang pangyayari kung saan tila konektado ka sa isang tao (kahit una mo pa lamang siyang nakakahalubilo), at hindi mo maintindihan kung bakit? Ang rason ay dahil spiritually connected kayong dalawa.

         Bawat isa sa atin ay nabibilang sa tinatawag na “soul family”. Sila ang ka-grupo ng ating kaluluwa/espiritu. Kung ihahalintulad tayo sa isang produkto, tayo at ang ating mga ka-soul group o family ay nagmula sa iisang hulmahan o manufacturer. Magkakaparehas tayo ng mga piyesa, kaya naman magkaka-match tayo.

         Narito ang ilan sa simpleng pahiwatig na ang isang tao ay ka-soul group o family mo, at kayo ay spiritually connected sa isa’t isa.  

1.   Pakiwari mo ay matagal mo nang kakilala taong iyon. Hindi na ninyo kailangan pa ng proper introduction sa isa’t isa. Sa unang beses pa lamang na nagkita kayo, pakiramdam ninyo ay taon na kayong magkakilala. Kaagad kayong nagkakapalagayan ng loob.

2.   Nauunawaan ninyo ang isa’t isa kahit hindi kayo mag-usap verbally. Dahil nga spiritually connected kayo, mga isip na lamang ninyo kadalasan ang nag-uusap. At ang katahimikan ay hindi nagiging awkward moment ninyong dalawa.  Nagkakaintindihan na kayo sa tingin at kilos pa lamang.

3.   Nagiging totoo ka sa iyong sarili kapag kasama mo ang taong ito. Wala kang inhibisyon o pretensiyon. Nagagawa ang lahat ng bagay na hindi mo nagagawa sa harap ng ibang tao.

 4.   Marami kayong napag-uusapan. Walang limitasyon ang inyong conversation. Katunayan, kahit hindi kayo mag-imikan ay tila nagkakausap pa rin kayo.  

5.   May parehas kayong mind wave. Dahil nga ka-soul group mo ang taong ito, may parehas kayong lebel ng pag-iisip. Nasasakyan ninyo ang trip ng bawat isa; at masaya kayo kapag magkasama.

Patuloy lamang nating suportahan ang PhilippineOne!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here