Mga Palatandaan Na Masaya Ang isang Single

0
132

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Parang automatic na sa atin na kapag single ang isang tao lalo na kung matanda na, ang buhay nito ay malungkot. Walang inspirasyon, walang kasama sa buhay, walang saya at walang kabuhay-buhay. Maaaring meron ngang mga single na ganito ang sitwasyon at nararamdaman. Sila yung mga single na napag-iwanan ng panahon. Ibig sabihin ay hindi nila nagamit ang buhay nila ng tama o hindi sila nabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng makakasama sa buhay. O mga single na hindi pa naman katandaan subalit puro galit ang kinikimkim sa dibdib kaya hindi makaramdam ng kasiyahan. Bitter ika nga. Pero sa panahon ngayon, napakaraming single ang masaya sa buhay na pinili nila. At ang kanilang palatandaan ay ang mga sumusunod.

1.Masaya ang isang single kung siya ay madalas magpunta sa iba’t-ibang lugar. Ibig sabihin ay nahanap niya ang kaligayahan sa pagta-travel. Masaya siya na marami siyang lugar na nararating. Mahilig siya sa adventures at dito niya nahanap ang kanyang kapanatagan. Marahil nasa isip niya ang ikli ng buhay kaya gusto niya itong sulitin para i-explore ang mundong kanyang ginagalawan. At hindi niya kailangan ang kasama.

2.Masaya ang isang single kung nagagamit niya ang kanyang talento. May mga tao na kapag natuklasan nila kung saan sila magaling ay hindi lang nila ito ipapakita sa lahat kundi hahanap sila ng paraan para pagyamanin ito at the same time ay yumaman din dahil dito kung papalarin. Masaya siya na nagagawa niya ang gusto niyang gawin nang malaya at walang nakikialam.

3.Masaya ang isang single kung siya ay makikita mong may mabuting ugnayan sa mga tao. Walang kaaway. At palaging nakangiti. Yung tipo ng single na magaan kasama at hindi ka makakarinig ng reklamo sa buhay kahit pa nag-iisa siya. Yung ginagawa nang mahusay ang kanyang trabaho at mahilig din makisalamuha sa mga tao nang walang inggit na nararamdaman sa mga nakikita niyang may kapareha.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here