Mga Palatandaan na Kailangan Mo Nang Bumitaw Sa Inyong Relasyon

0
308

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Bakit nga ba may mga tao na hindi makabitaw sa kanilang pakikipagrelasyon. Ang dahilan ng iba ay pagmamahal, habang ang iba naman ay ang kanilang mga anak. Hindi natin sila masisisi kung gusto nilang patuloy na lumaban. Pero nakakalungkot lang isipin na dahil doon ay hindi nila magagawang makaalis sa sitwasyon na hindi na ganap ang kanilang kaligayahan. Pero hanggang saan ba dapat ang limitasyon ng isang tao sa kanyang pakikisama sa taong minamahal niya?

Narito ang mga palatandaan na kailangan mo nang bumitaw sa inyong relasyon.

1.Maaaring hindi pa sapat na siya ay nanlamig lang. Sa ganitong kaso, pwede ka pang makaisip o makagawa ng paraan upang muling painitin ang nanlalamig niyang damdamin para sa’yo. Pero sa oras na siya na mismo ang nagpamukha sa’yo na hindi ka na niya kailangan, hindi ka na niya mahal at siya na mismo ang kusang bibitaw, kailangan mo na siyang pakawalan. The fact na nasabi niya ito at lumabas sa kanyang bibig, ibig sabihin ay may nagtulak sa kanyang damdamin para ipaalam sa’yo yon at kung anuman ang dahilan niya ay siya na ang magdadala non.

2.Kapag wala na siyang tiwala at respeto sa’yo, bumitaw ka na. Yung tipong bawat kilos mo at galaw ay issue sa kanya. Yung sobra-sobra na ang pagdududa na ang kasinungalingan ay pwede nang maging katotohanan para sa kanya at ang katotohanan ang siyang nagiging kasinungalingan. Yung tipong sakal na sakal ka na dahil hindi ka niya kayang pagkatiwalaan at nagagawa niyang pagsabihan ka ng masasakit na salita tanda ng kawalan niya ng respeto sa’yo.

3.Kapag sinasaktan ka na niya nang pisikal, ano pa ba ang hinihintay mo? Hindi mo deserve na masaktan, emotionally at physically. Hihintayin mo pa ba na ikamatay mo ang pagmamahal mo sa kanya?  Once na ikaw ay pagbuhatan niya ng kamay, dapat alam mo na kailangan mo nang dumistansya. Kung hindi mo ito gagawin ay bibigyan mo lamang siya ng lakas ng loob na ulitin iyon sa’yo hanggang sa ito ay maging pangkaraniwan na lamang sa kanya habang ikaw ay nagdurusa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here