MGA PALATANDAAN NA ISA KANG CLAIRSENTIENT

1675

Ang isang clairsentient ay may kakayahang maramdaman ang iba’t ibang emosyon sa paligid sa mas malalim na perspektibo. Kaya nilang matuklasan ang nakaraan at kasalukuyang estado ng kaisipan at espiritu ng isang tao.  

        Ang clairsentient ay maihahalintulad sa isang empath. Ngunit, mas malakas ang kanilang pakiramdam at mas malawak at malalim ang nasasagap na emosyon.

        Ano-ano nga ba ang katangian ng isang empath? I-click lamang ang link para sa kompletong babasahin patungkol dito: https://philippineone.com/kapangyarihan-july-31-paano-maging-empath-321/

        Ang clairsentience ay isa sa pinaka-karaniwang psychic power sapagkat bawat isa sa atin ay maaaaring maging clairsentient. Ang tanging kailangan lamang ay matuto tayong kumonekta sa mga taong nakakasalamuha natin; at higit sa lahat, maniwala sa intuition o gut feelings.

        Alamin ang iba’t ibang uri ng psychic power. I-click lamang ang link na ito: https://philippineone.com/kapangyarihan-march-30-mga-klase-ng-super-powers-o-psychic-power-543/

         Narito ang ilang mga palatandaan na ikaw ay isang clairsentient.

1.   Pinipili mo ang iyong mga sasamahan. Allergic ka sa mga toxic people at psychic vampires. Kilalanin ng husto ang mga katangian ng isang taong maituturing na psychic vampires. Baka isa ka sa kanila, o may kakilala ka. I-click lamang ang link: https://philippineone.com/kapangyarihan-june-28-psychic-vampire-ka-ba/

2.   Nagiging makuwento ka lamang sa mga taong kasundo mo. Nagiging open ka sa isang tao na batid mong ka-lebel ng mind wave mo.

3.   Batid mo na ang mundong ito ay isang uri ng enerhiya. At bilang enerhiya, pinananatili mo, hangga’t maaari, na maging positive energy at hindi negative.

4.   Mas matalino at wais ka kaysa sa aktuwal mong edad. Nagugulat ang marami sa iyo sapagkat kung magsalita at mag-isip ka ay tila matanda ka na.

5.   Batid mo ang tunay na ugat ng lahat ng iyong problema. Wala kang pretensiyon sa sarili. Alam mo kung ano ang tunay na sanhi ng problema kaya ito ang una mong sinosolusyunan. Hindi ka mahilig humingi ng payo sapagkat bago pa man ang lahat ay nakita mo na ang tunay na sitwasyon.

6.   Sensitibo ka sa sarili mong emosyon. Mas intense ang iyong damdamin. Kung magmahal ka  ay sobra. Kung mamuhi ka  ay sobra rin. Para kang pinagsakluban ng langit at lupa kapag ikaw ay nalulungkot, at tila wala nang bukas kung ikaw ay makatawa kung ikaw ay masaya. Totoo ka sa iyong nararamdaman, and who cares, ika nga.

7.   Alam mo ang tunay na intensiyon sa iyo ng isang tao. Unang kita mo pa lang sa tao ay batid mo na kung siya ba ay mapagkakatiwalaan at kung may hidden agenda siya sa iyo. Ito ang dahilan kaya namimili ka rin ng kakasamahin.

8.   Nalalaman mo kusa ang mga bagay-bagay kahit walang magsabi sa iyo. Tila kusang lumalapit sa iyo ang mga impormasyon na kailangan mo upang matuklasan ang katotohanan sa likod ng isang bagay. Hindi ka naniniwala sa mga sabi-sabi o tsismis sapagkat batid mo na ang totoong mukha ng isang kuwento.

9.   Mabilis kang maapektuhan ng isang sitwasyon. Kung malungkot ang pangyayari, ikaw ay nalulungkot rin. Kung masaya, nasisiyahan ka rin. Bunga ito ng pagiging emphatic mo. Tipo mo ang taong napapaiyak sa pinapanood na pelikula.  

10.               Mabilis kang maubusan ng lakas o manghina kapag ikaw ay nasa mataong lugar. Dahil empath ka, mabilis mong nasasagap ang anumang uri ng emosyon sa paligid—positibo man o negatibo. At dahil nga allergic ka  sa mga taong toxic (epal, pabida, awang-awa sa sarili, etc.) at mga psychic vampires na tinatawag, madali kang manghina at kadalasan ay nakararanas nang pagkahilo kapag napalapit o na-expose ka sa mga ganitong uri ng tao (kilala mo man o hindi). Mas gusto mong nagkukulong sa bahay.  

Alin sa mga katangiang nabanggit ang mayroon ka?  I-comment na ito!

Para sa iba pang kaalamang paranormal at espirituwal, i-like at i-follow lamang ang Facebook page na Pinoy Majica. Patuloy po nating tangkilikin ang PhilippineOne

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here