Mga Palatandaan na Ikaw ay Nasa Mabuting Relasyon

1276

Minsan ba ay naitatanong mo sa sarili mo kung ikaw ay nasa mabuting relasyon? Kung hindi ka ba nagkamali ng pagpili sa iyong kapareha? Masasagot na ang mga tanong mo dahil narito ang ilang mahahalagang palatandaan kung healthy ba ang iyong pakikipagrelasyon. Kung wala sa mga ito ang pinagdadaanan nyo ngayon ng iyong mahal ay mag isip-isip ka na, baka may magagawa ka pa para maisalba at mapabuti ito.

Tunay na Pagmamahal. Kung minsan, pumapasok tayo sa isang relasyon kahit hindi naman natin masyadong gusto ang ating kapareha. Meaning to say, masabi lang na meron tayong karelasyon at nakapag move on na tayo sa past. Ginagawa natin ito bilang pang rebound which is alam naman nating hindi dapat. So kung wala ang kauna-unahang sangkap na ito sa isang relasyon, mark it X.

Respeto. Ang pagrespeto sa isa’t-isa ay nangangahulugan ng pagpapahalaga. Kung sa tingin mo ay iginagalang ka niya hindi lang sa salita kundi pati na rin sa mga priorities mo sa buhay, malamang ay mahal ka nga niya and vice versa.

Tiwala. Nahuli mo na ba siyang nagsinungaling sa’yo? O nakapagsinungaling ka na ba sa kanya at nahuli ka niya? Kung ganito ang nangyayari, malamang ay absent ang tiwala sa relasyon nyo at hindi ito dapat magpatuloy. Ang tiwala ay hindi nabubuo sa isang araw lang o overnight. Nangangailangan ito ng tamang panahon at pagkakataon.

Suporta. Sa oras ng iyong kalungkutan kailangan na nariyan siya para makinig at makisimpatya. Kung ikaw naman ay masaya at dapat magcelebrate, dapat lang na nasa tabi mo rin siya. At syempre ganoon ka rin dapat sa kanya. Iyan ang tinatawag na pagsuporta sa isa’t-isa.

Pagbibigayan. Sa isang relasyon kung minsan ay may power struggle na nagaganap. Ito yung may isa na gusto siya lagi ang nasusunod. Sa kung anong pelikula ang papanoorin, sa kung saang restaurant kakain at ano ang kakainin at kung sino lang ang mga kaibigan na dapat samahan. Syempre pa hindi katanggap tanggap ito. Kailangan na ang isa’t-isa ay marunong magbigayan.

Hindi nananakit. Emosyonal man o pisikal, importante na hindi  nangyayari ang pananakit sa iyong kapareha. Sapagkat ito ay tumatatak sa kanyang isip lalo na sa kababaihan. Nakakabawas ito ng pagmamahal at nakakababa ng pagkatao.

Kung ang anim na mahahalagang bagay na ito ay nasa inyong pagsasama, malamang na kayong dalawa ay nasa mabuting relasyon. Kaya dapat nyo itong ingatan. Minsan lang dumating sa buhay ng tao ang tunay na pag-ibig at isang relasyon na hindi man perpekto ay masasabi mo namang mabuti at patungo sa magandang direksyon ng buhay kasama ang isa’t-isa.

More Relationships

More I AM FILIPINO

More TIPS

More K-Pop

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

1 COMMENT

  1. Magandang araw po maestro. Gusto ko po sana mgpabasa ng palad. Kaya lang hindi ko po mahanap kung papaano. Sana po matulungan nyo ako. Nais ko po sana malaman ang aking magiging kapalaran agin sa aking mga palad. Maraming salamat po

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here