Mga Palatandaan na Ikaw ay Isang Mabuting Anak

0
94

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Isa ka bang mabuting anak? Paano mo naman ito nasabi? Sapat na nga ba na natutulungan mo sa financial na pangangailangan ang iyong mga magulang? O sapat na ba na nadadalaw mo sila kung kailan ka may libreng oras o kung kailan mo gusto? Kung medyo nalilito ka, narito ang ilang palatandaan para masabi mo na ikaw ay isang mabuting anak. Mula noon hanggang ngayon.

1.Mabuti kang anak kung ikaw ay marunong rumespeto sa iyong mga magulang. Iginagalang mo ang kanilang mga desisyon at hinahayaan mo silang magbigay ng kanilang opinyon tungkol sa isang bagay lalo na at may kinalaman sa inyong pamilya. Inirerespeto mo rin ang kanilang mga suggestions para sa ikabubuti mo.

2.Mabuti kang anak kung nagagawa mo ng maayos ang iyong mga responsibilidad. Ang mga responsibilidad na ito ay magsisimula sa inyong tahanan hanggang sa responsibilidad mo sa labas. Kung ito ay iyong nagagampanan ibig sabihin ay hindi mo sila nabibigyan ng sakit ng ulo at wala silang dapat ipag-alala dahil alam nila na nagagampanan mo ng maayos ang iyong mga responsibilidad.

3.Mabuti kang anak kung naaalagaan mo ang iyong sarili. Isa sa labis na pinag-aalala ng mga magulang ang kalagayan ng kanilang anak. Lalo na kung ikaw ay nasa malayong lugar, halimbawa ikaw ay nag-aaral sa Manila at kailangan mong magboard. Kung malalaman nila na inaalagaan mo ng mabuti at iniingatan ang iyong sarili, kahit papa’no ay mapapanatag sila.

4.Mabuti kang anak kung iniisip mo ang hinaharap at ang magandang kinabukasan na maibibigay mo para sa iyong mga magulang at kapatid. Kung nakikita mo sa iyong future na sila ay mapapaginhawa mo o kundi man ay matutulungan mo na mapaangat ang kanilang kabuhayan kahit papa’no, ibig sabihin nito ay nasa sa puso mo ang kanilang kapakanan.

5.Mabuti kang anak kung napaglalaanan mo ng oras ang iyong mga magulang sa kabila ng iyong kabisihan. Yung hindi ka magdadahilan kapag hindi mo sila nadadalaw. Yung hindi mo ipinagpapalit ang atensyon na para sa kanila sa iyong mga kaibigan. Yung nasasabi mo sa kanila ng madalas at naipaparamdam mo na sila ay mahal mo. f

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here