Ang mga spirit guide, o Guardian Angel sa konsepto ng mga Kristiyano, ay kadalasang nakikipag-ugnayan sa atin upang magbigay babala at mensahe sa iba’t ibang paraan tulad ng number synchronity, musika, mga taong nakakasalamuha natin, at mga bangkang papel o mga mensahe na biglang makikita mo sa paligid tulad ng mga signage sa jeep at sa iba pang lugar na hindi mo inaakala.
Maliban sa mga nabanggit, may ilan pang signs na nagsasabing naririyan lamang ang iyong spirit guide at nais kang kausapin.
1. Pagkakaroon ng malinaw na panaginip. Ang panaginip ay karaniwang ginagamit na behikulo ng mga spirit upang makipag-ugnayan sa mga buhay. Sinusubukan ng iyong spirit guide na makipag-ugnayan sa iyong subconscious at ang kanilang mensahe ay karaniwang nasa anyo ng mga simbolo. Makatutulong ang dream analysis at interpretation upang ma-decipher mo ang mensaheng ibig iparating sa iyo ng iyong spirit guide.
2. Pagkakaroon ng matalas na pakiramdam. May mga pagkakataong tumatalas ang iyong five observable senses (sight, hearing, taste, feeling, and smell). Ito ay nangyayari dahil ibig ng iyong spirit guide na sila ay iyong marinig at makita. Ang mga spirit guide ay nasa ibang vibration at frequency na hindi makikita ng physical eyes.
3. Nagma- malfunction ang iyong mga electronic gadgets. Kung bigla-bigla ay nagti-turnon-turnoff at nagi-static ang iyong electronic gadgets, tanda ito na nais makipag-usap sa iyo ng iyong spirit guide kaya nagi-intercept sila sa iyong gadget. Ang mga spirits ay isang uri ng enerhiya na maaaring maka-impluwensiya sa anumang electronic gadgets, lalo na kung sobrang lakas ng kaniyang presence. Maging aware dahil sa oras na mag-malfunction ang iyong electronic gadget nang walang kadahi-dahilan. Nangangahulugan itong lumalakas ang spirit guide na nasa paligid mo dahil gusto ka niyang kausapin.
4. Nakakaramdam ka ng kilabot. Ang presensiya ng anumang spirit sa paligid ay nagdudulot ng chills at goose bumps dahil ang enerhiya nila ay nagi-intercept sa iyong aura o electromagnetic field. Sa oras na ikaw ay kilabutan bigla, malinaw na senyales ito na may spirit sa paligid mo.
5. Pakiramdam mo na may nakabantay sa iyo. Bilang gabay, tungkulin ng iyong spirit guide na ikaw ay bantayan at illigtas sa anumang kapahamakan. Nalagay ka na ba sa bingit at ikaw ay nakaligtas? Sa totoo ay iniligtas ka ng iyong spirit guide.
Ayon sa isang teorya ng Reincarnation, ang iyong spirit guide ay maaaring mula sa iyong soul family o soul group na hindi lamang nabigyan ng pagkakataon na muling mag-reincarnate sa life time na ito. Bilang ka-soul family, ang kanilang enerhiya ay na-attract ng iyong spirit. Sila ang nagsisilbing gabay mo. Sa religious aspect, ang mga spirit guide o Guardian Angels ay mga enerhiya mula sa Dakilang Lumikha o The Source ng lahat ng enerhiya sa uniberso. Matutong makinig sa kanilang mensahe dahil sila ay naririyan upang ikaw ay gabayan at dalhin sa kabutihan.