Mga Palataandaan Na Ang Kausap Mo’y Isang Aswang

1470
Photo credit; Carmelo Perlas

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Naniniwala ka ba na totoo ang mga asuwang? Kung ang pagbabasehan mo ay ang mga napapanood mo sa telebisyon at pelikula, maaari kang magkaroon ng pagdududa na baka gawa-gawa lamang ito ng malikhaing isip ng mga manunulat. Subalit kung ang pakikinggan mo ay ang mga kuwento ng mga matatanda na nakaranas mismo na makasalamuha at makaengkuwentro ang aswang, baka magbago ang isip mo. Hindi lang isa o dalawa ang nakasaksi na ng aswang, kundi napakaraming tao na may iba’t-ibang version. Kaya nga marahil maraming naisusulat ang mga manunulat tungkol dito dahil sa dami na rin ng narinig na nilang kuwento na siya nilang pinagbasehan din. Kung ikaw naman ay hindi pa nakaenkuwentro ng asuwang o nakakita nito, paano mo nga ba malalaman kung ang kaharap at kausap mo’y isa pa lang aswang? Narito ang mga palatandaan na dapat mong tandaan.

1.Unang-una na ang repleksyon sa kanilang mga mata. Kung ikaw ay titingin sa mata ng iyong kausap at makikita mo na ang iyong repleksyon ay nakabaligtad, malamang siya ay isang asuwang,dahil asuwang lamang ang may kakayahan na makapagbaligtad ng repleksyon. Kaya nga lang, hindi ako palatingin sa mata ng kausap ko kasi ang bilin naman ng nanay ko, huwag akong titingin o tititig para makaiwas ako sa hipnotismo.

2.Kung napansin mo naman na ang kausap mo ay walang kanal sa pagitan ng ilong at bibig, iyon daw ay isang aswang. Pero ayon naman sa mga matatanda ngayon, mayroon na ring asuwang na may kanal sa pagitan ng ilong at bibig, at kung paano nila ito nagawa ay walang nakakaalam.

3.Kung ang repleksyon mo ay baligtad sa mata ng aswang, ang aswang naman ay walang repleksyon sa salamin. Kaya’t kung may kakilala kang pinagdududahan mo na isang aswang, magdala ka lang ng salamin at palihim na tingnan kung siya ba ay may repleksyon o wala.

4.Walang anino. Kung nakakaya nilang gayahin ang anyo ng isang tao o hayop, ang anino ang siyang hindi nila nakayang gayahin. Kung makita mo naman na ito ay may anino, mapapansin mo na ang kanyang anino ay taliwas sa galaw ng kanyang katawan.

5.Hindi madalas ngumiti ang isang asuwang. Malimit itong nakapormal ang anyo na animo laging seryoso. Kaya nga ang mga taong laging nakasimangot ay niloloko at sinasabihan na “mukha kang aswang”.

Gayunpaman, asuwang man o hindi, matuto tayong rumespeto. May mga aswang na hindi nila ginustong mabuhay bilang aswang at nananakit lamang sila kapag sila ay nasaktan. Kaya’t hangga’t maaari ay iwasan natin ang makasakit ng isang aswang dahil tulad natin ay meron din silang pakiramdam. Upang makaiwas naman sa kanilang dalang panganib ay huwag natin kalimutan ang magdasal at mag-ingat palagi dahil iisa lang ang buhay na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Marami namang pangontra sa mga aswang tulad ng bawang, asin at buntot pagi. Ugaliin din na maging alisto palagi.

SHARE
Previous articleThird Eye, Suwerte o Malas?
Next articleMga Pamahiin sa Hapag-Kainan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here