MGA PALANTADAAN NA PEKE ANG IYONG KAIBIGAN

259

Sabi nga ng makatang si Franciso Balagtas, hindi lahat ng sumasalubong sa iyo ng nakangiti ay iyong kaibigan. Ang iba riyan, lihim na may inis o galit sa iyo. In short, pina-plastic ka lang.

         Ang masama, sa husay ng iba na magpanggap, mahirap kilatisin kung totoo ba silang kaibigan.

         Ngunit, may ilang malinaw na palatandaan na ang isang tao ay hindi tunay na kaibigan kundi isang lihim na kaaway.

         Ano-ano ito?

  1. Nawawala sila sa oras ng iyong pangangailangan. Sila iyong mahuhusay lang kapag nasa itaas ka. Pero sa panahon ng iyong kalungkutan, sila ay parang aninong nawawala sa dilim. Ang mga tunay na kaibigan ay nakikilala sa panahon ng kagipitan, at ang tunay na kaaway ay nakikilala sa panahon ng iyong kaligayahan.
  • Lagi nilang kinokontra ang iyong mga pananaw. Sila iyong mga beshie mo na ibuka mo pa lang ang iyong bibig, handa na silang kontrahin ang anumang iyong sasabihin. Hindi sila nagpapatalo. Palagi nilang ikinukumpara ang kanilang sariling opinyon at paniniwala sa iyo. Ang mga taong iyan ay may lihim na inggit at insecurity sa iyo.
  • Sinasamahan ka lang nila kapag wala na talagang choice. Sila iyong mga kapag nagpa-plano ng lakad ay wala ka sa listahan ng mga kaibigan na gusto nilang makasama. Pero kapag wala na talaga silang mahatak, ikaw na lang ang huling pamimilian nila. Lumayo ka sa mga ganyang klase ng kaibigan dahil bukod sa nakakasama sila ng loob, malinaw na hindi ka nila priority.
  • Hindi sila open sa iyo. Sila iyong mga kaibigan na ingat sa pagbibigay ng mga personal nilang impormasyon sa iyo kumpara sa iba. Kung sila ay hindi open o kampante sa iyo, malinaw na may wall pa sa pagitan ninyong dalawa. O kaya ay maaaring ayaw ka lang niya talaga dahil hindi ka mapagkakatiwalaan para sa kaniya.
  • May nasasabi silang hindi maganda patungkol sa iyo kapag wala ka. Sila ang mga numero unong sugo ng Diyablo. Sila ang mga tipo ng kaibigan na ang babait kapag kaharap ka pero pagtalikod mo, ikaw ang pinupulutan nila. Ang mga tunay na kaibigan ay magsasabi ng mga hindi maganda patungkol sa iyo sa harap mo, at nagsasabi ng mga magaganda tungkol sa iyo kapag wala ka. Alamin ang  pinagkaiba.

Sino-sino ang mga fake friend mo? Baka kailangan mo nang mag-ba-bye sa kanila.