Mga Pagkaing Pang-Undas

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Ngayong undas ay muli na naman nating matitikman ang masasarap na kakanin sa iba’t-ibang panig. Ang kakanin na nagmula sa dalawang salita na “kain” at “kanin”. Sa tuwing Todos Los Santos ay hindi lamang kandila at bulaklak ang ating iniaalay sa mga yumao nating mahal sa buhay kundi maging ang paborito nilang pagkain at sinasamahan natin ng kahit na anong kakanin. Bakit kailangang may kakanin? Sapagkat ito ay sumisimbolo ng pagmamahal natin sa kanila na nananatiling kasingtamis ng kakanin na napili nating ihain. Ilan sa mga halimbawa ng mga kakanin na sikat ngayong undas ay ang mga sumusunod…

1.BIKO

Ang biko ay gawa sa malagkit na bigas, gata at latik na nilalagay sa ibabaw nito bilang toppings.

2.PUTO

Ang puto namay ay nagmula sa Malay word na puttu. Karaniwan ito ay puti subalit sa ngayon ay meron na ring iba’t-ibang kulay.

3.SUMAN

Isa rin sa mga paborito natin ay ang suman na karaniwang nakikita sa hapag kainan tuwing may piyestahan at undas. Tulad ng puto ang suman ay marami ring varieties at isa na rito ang sikat na suman sa lihiya.

4.PALITAW

Ang ibig sabihin ng litaw ay rise. Kaya ito ay tinawag na palitaw dahil malalaman mo kung luto na ito kapag ito ay lumitaw na sa pot. Tinatawag din itong dila-dila dahil sa itsura nito.

5.KUTSINTA

Ang kutsinta ay karaniwang inihahain na may kasamang niyog o kaya naman ay yema. Isa ito sa paboritong almusal sa umaga at bitbitin tuwing undas.

Bukod sa mga nabaggit ay marami pang ibang uri ng kakanin na inihahain sa mesa o kaya ay dinadala sa puntod ng mga mahal natin sa buhay upang pagsaluhan at bahaginan sila ng alay. Isa rin sa madalas nating lutuin para sa undas ay ang ginataang bilo-bilo. Napakasarap nitong kainin lalo na kung mainit-init pa. Ang mga lahok nito ay bilo-bilo ,saging,kamote, gabi, sago at langka. Depende sa kung ano pa ang gusto mong isama rito. Sa sobrang sarap ng natitikman natin mga handang pagkain tuwing undas huwag sana nating makalimutan ang tunay na diwa ng pagdiriwang na ito. Ang pag-alala sa kaluluwa ng mga mahal natin sa buhay at gayundin ang paggunita at pagbibigay pugay sa mga santo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here