Mga Pagbabago sa Katawan sa Pamamagitan ng Vegan Diet

Marami sa atin ang gustong mag-diet. At syempre pa, ang hinahanap natin ay isang healthy diet. Ayon sa mga pag-aaral, ang veganism ay makapagbibigay sa atin ng mga benepisyong pangkalusugan kung ito ay mapagpaplanuhan at maisasagawa natin ng tama.

Sa mga unang linggo ng pagiging isang vegan, ang kauna-unahang mapapansin ay ang kakaibang lakas na matatanggap ng ating katawan. Kasabay nito ang pag-alis sa katawan natin ng mga karneng dumaan sa proseso. Ang pagkain ng prutas at gulay ay nakakapagboost ng level ng vitamins, minerals at fibre sa ating katawan. Sa ilang linggo nating pagkain na walang karne, magkakaroon ng pagbabago sa ating pagdumi. Dahil sa mataas na fibre content ng vegan diet at pagtaas ng carbohydrates ay maaaring maging iritable ang ating pagdumi subalit pansamantala lang ito. Ang pagbabagong ito, eventually ay magkakaroon ng positibong resulta kung ipagpapatuloy lang ang plano at tamang pagbalanse ng pagkain.

Matapos ang tatlo hanggang anim na buwan ng vegan diet, dito na mapapansin na sa patuloy na pagkonsumo ng katawan natin sa mga prutas at gulay ang mga pimples sa ating mukha ay unti-unting nawawala. At ang ating balat ay kumikinis. Sa loob ng ilang buwan ng tamang pagbalanse sa vegan diet na mababa sa alat at sa mga pinrosesong pagkain, ito ay makapagbibigay ng nakaka-impress na benepisyo para sa cardiovascular health, nakakatulong sa pag-iwas sa sakit sa puso, stroke at nakakabawas ng panganib na dala ng diabetes.

Sa pagpapatuloy naman ng vegan diet, ang B12 na nakaimbak ay tuluyan ng nawawala. Ang Vitamin B12 ay ang nutrient na mahalaga sa ating dugo at nerve cells na matatagpuan lang sa animal products. Subalit ang kakulangang ito sa B12 ay masosolusyunan sa pamamagitan ng pagkain ng tatlong porsyon ng fortified foods kada araw o sa pag-inom ng supplement. Subalit importante dito ang pagmimintina. Ang gulay na kale at Brocolli ay mayaman sa calcium na magpoprotekta sa ating buto.

Ang tamang balanse ang siyang susi kung paano makukuha ng isang vegan ang lahat ng benepisyo na dulot nito. Kung hindi ito magagawa ng tama ay maaring magkaproblema sa kalusugan ang isang vegan. Tamang preparasyon ang kailangan upang  ang vegan diet ay maging mabuti para sa ating kalusugan.

More Dreams

More Zodiac Compatibility

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here