MGA OBRA NA MAY MGA IMAHEN NG UFO (Part 3)

0
83
Ravenson Biason

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Atin pong ipagpapatuloy ngayon ang mga pinta, ukit, at mga tala na kung saan ay may mga imahe ng UFO.

Moses Receiving Ten Commandments – Sa naturang obra, habang tinatanggap ni propetang si Moises ang dalawang tapyas ng bato mula sa Panginoong Diyos, na kung saan nakalagay ang Sampung Utos, makikita sa itaas ng himpapawid ang mga UFO na lumilipad. Ang naturang obra ay likha ng isang wood drawer, kung saan ay nakalagak sa ngayon sa Earls D’Oltremond sa bansang Belgium.

The Miracle of the Snow– Ang naturang obra ay nagawa sa pagitan ng taong 1388-1440 na ipininta ni Masolino Da Panicale. Sa kasalukuyan ay nakalagak ang naturang obra sa simbahan ng Santa Maria Maggiore sa Florence, Italy. Ipinapakita sa naturang obra ang mga circle type cloud na nakalutang sa ibabaw ng mga apostol. Waring minamasdan ng mga UFO at maging ng Panginoong Jesucristo at ng ina niyang si Maria ang mga apostol.

La Tebaide– Ang naturang obra ay likha ni Paolo Uccello noong taong 1460,  na kung saan ay makikita ang UFO flying saucer type na lumilipad sa gawig ilalim na kung saan nakapako sa krus ang Panginoong Jesucristo. Nakalagak sa ngayon ang naturang obra sa Academy of Florence.

Summer’s Triumph– Ang magandang obra na ito ay mula pa noong taong 1538 na nakalagak sa ngayon sa Bayeriches National Museum. Kung inyong titingnang maigi ang gawing itaas ng kaliwa, mapapansin ninyo ang 2 tila itim na  ulap na hugis flying saucer. Noon, akala ng mga tao na kumilatis sa obra na isang simpleng ulap lamang ang sinasabing imahe ng UFO.

The Annunciation– Ang naturang obra ay likha ni Carlo Crivelli noong 1486. Makikita sa obra ang pambihirang imahe ng UFO na nagpakawala ng liwanag sa mga gusali at sa mga bintana nito. Sinasabing ang liwanag ay mula ng Diyos o kaya naman ay mensahe mula sa kalangitan.

Fresco– Ang naturang obra ay ginawa sa dingding o kisame sa Syetitskhoveli Cathedral sa Mtsheta. Dito ay detalyadong makikita sa background ang 2 flying saucer na hugis dikya na kung saan nakalutang sa pook na kung saan nakapako si Cristo. Kapag inyong kinilatis pa ang imahe ay may makikita kayong mukha.

Ang obra naman ni Admiral Blaeu sa literaturang ‘Theatrum Orbis Terrarum’ na nagpapakita ng UFO sightings. Nakita ng dalawang Dutch ships ang dalawang hugis platong bagay na lumilipad sa ere, habang naglalayag ang kanilang sinasakyang barko sa karagatan.

Noong ganap na 9:45 ng gabi ng petsang Agosto 17, 1783, nasaksihan ng 4 na tao sa Windsor Castle ang kakatwang bagay sa himpapawid. Gumagalaw ito ng horinzontal sa pormang kumikintab na plato. Mula sa naturang bagay ay lumalabas ang liwanag na kung saan ay nagbigay ng liwanag sa kalupaan sa pusikit ng gabi. Ang dalawang magkapatid na kelot na sina Thomas at Paul Sandby ay gumawa ng sketch tungkol sa kanilang nasaksihang UFO.

Ang bersiyon ng obra ni Pierro Della Francesca ng The Baptism of Christ ay nakitaan ng mga lenticular shaped clouds na hugis Flying Saucer. Mapapansin na karamihan sa mga obra niya ay mayroong UFO.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here