MGA OBRA NA MAY MGA IMAHE NG UFO (PART 2)!

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

The Baptism of Christ– Ang naturang obra ay ginawa ni Aert De Gelder noong 1710. Maraming kakatwang UFO at mga aliens ang natampok sa ilang obra. Pero, hindi kasing- detalyado ng naturang pinta. Kung inyong titingnan ang obra, makikia nating may space craft sa ere na nagniningning at may ipinatamang liwanag kay Jesus.

The Crucifixion– Hindi kilala kung sinong pintor ang gumawa ng naturang obra na nilikha noong 1350. Ang naturang obra ay nagpapakita ng imahe ng 2 UFO na may lulang aliens sa loob na nakamasid habang nakabayubay sa krus ang Panginoong Jesucristo. Makikita ito sa gawing itaas ng kanan at kaliwang itaas ng obra.

Sa bansang Hapon, may pinta rin na nagpapakita ng flying saucer mula sa Haratonohama, Hitachi, Japan noong 1803. Base sa aklat na naisulat noon na Ume No Chiri, namataan ng ilang miron ang UFO sa dalampasigan ng Haratonohama. Ang naturang sasakyan ay yari sa metal at glass na may kakatwang nakasulat sa palibot.

Ang isang obra mula sa manuskrito ng ‘Annales Laurissenses’ noong ika-12 siglo ay may imahe ng UFO. Ang naturang obra ay tungkol sa pagsalakay sa Sigiburg castle sa France na kung saan ang mga Saxons ay pinalilibutan ang mga French at nakatakdang kubkubin ang kastilyo. Subalit, lumitaw ang tila nag-aapoy na pabilog na kalasag na bumabagtas sa isang simbahan. Akala ng mga Saxons ay pinoprotektahan ng UFO ang mga French. Ang tagpong iyon base sa obra ay naganap noong taong 776 A.D.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here