MGA OBRA NA MAY IMAHEN NG UFO! (Part 1)

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Atin naman pong pag-usapan ngayon ang mga obrang may nakalagay na imahe ng mga UFO. Nakakapagtaka lamang na sa hinagap natin ay wala pa noong UFO noong kapanahunan nila. Pero, bakit naipinta ito ng mga pintor noon sa kanilang mga ginawang obra? Ibig sabihin, hindi pa sumasapit ang ika- 20 siglo na siyang siglo ng pagsilang at pag-inog ng kabatiran tungkol sa mga alien at UFO ay nakikita na pala ito ng mga tao noon? Partikular na iyong mga sinaunang tao.

Ibig sabihin, isa itong plethora ng mga ebidensiyang ang mga aliens umano ay bahagi ng kasaysayan dahil sa mga paintings, scrolls, sculptures, arts, at mga kuwento na mula pa noong sinaunang tala ng mga tao noon. Hindi minaniobra ang mga nasabing mga obra dahil ang mga orihinal nito ay talagang may nakapintang UFO.

Ating iisa-isahin ang mga pamosong obra o mga paintings na kung saan ay nakitaan ng mga UFO image. Na ang mga ito ay gawa pa ng mga pamosong pintor.

The Madonna with Saint Giovannino– Ang naturang obra ay nagawa noong ika-15 siglo na parang obra ni Domenico Ghirlandaiao. Sa naturang obra ay nagpapakitang si Mariang ina ng Panginoong Jesucristo ay nakamasid paibaba. Ngunit, kapag niliming mabuti ang background ng obra, makikita natin ang maliwanag na imahae ng UFO na lumilipad paitaas habang minamasdan ito ng isang tao. Natatakpan ng flying saucer ang araw habang minamasdang maigi ng lalaki.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here