Mga Numero, Di mo Kailanman Matatakasan

Bukod sa gusto ko talagang maging manunulat, may isa pa akong dahilan kaya ako nag-Masscom. ITo ay dahil sa gusto ko sanang matakasan ang Math. Nakakasakit kasi ng ulo ang mga numero. Talagang hindi ko keri ang mag-compute nang mag-compute. Mas okay pa sa akin kung magsusulat na lang ako ng magsusulat. Ang tanong nga lang, nagawa ko nga bang matakasan ang mga numero na aking kinatatakutan.

Siyempre, HINDI!

Mayroon din naman kasi akong naging subject na Statistics kaya kahit paano ay hindi ko natakasan ang Math. Iyon nga lang, hindi ito kasing lala kung ako ay nag-Accountancy. Saka sa buhay naman natin ay hindi talaga natin matatakasan ang pagbibilang at ang numero. Paano naman kasi natin magagawa iyon kung araw-araw tayong gumagamit ng numero?

Siyempre, araw-araw ay kailangan nating gumasta kaya maglalabas tayo ng pera at iyon ang gagamitin natin sa pagbilang. Sa simpleng pagpindot natin ng ATM ay kailangan din nating gumamit ng numero at hindi mapapasok sa account mo mo ang iyong pera kung di mo ibinibigay ang iyong account number.

O, kita mo na. Talagang kahit na anong gawin mo ay kailangan talaga ang numero sa ating buhay. Katunayan nga, simula pa lang ng ipanganak tayo ay kasama na natin ang numero dahil nakasaad sa ating birth certificate ang petsa ng ating kapanganakan. At sabi nga, ang numero rin ang makapagbibigay sa atin ng suwerte at kamalasan. Hanggang sa’yong kamatayan ay naroroon din ang numero na iniiwasan mo.

Kaya, kung susuriin mo talaga, kahit anong gawin mo ay hindi mo kailanman matatakasan ang mga numero dahil ito ay palagi mong kasama, saan ka man naroroon. Kahit hanggang sa’yong kamatayan.

SHARE
Previous articleGuro, Mas Malaki Nga Ba Ang Responsibilidad Kaysa Magulang
Next articleAng Tunay na Layunin ng Nambabarang

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here