Mga natulungan nag-goodbye dahil wala ng datung

0
179

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

Share your blessings. Maganda naman talaga na maging mapagbigay ka, siguradong pati si God ay matutuwa roon ngunit kailangan mong tandaan na lahat ng sobra ay masama. Para maintindihan mo ang ibig kong sabihin, mga katsismosa, ibabahagi ko ang istorya na ito.  

Bata pa lamang si Gerardo ay mapagbigay na. Hindi na baleng mawalan siya ng baon basta mabigyan niya ang kaklase niyang nagugutom. Siyempre, nakaka-proud iyon sa mga magulang. Maging ang kanyang mga guro ay nasisiyahan sa kanyang gawi. Dahil sa marami ang natutuwa kay Gerardo, ipinagpatuloy niya ang kanyang ginagawa.  

Nakapagtapos naman siya ng pag-aaral at naging Engineer. Kung tutuusin ay malaki na ang sinasahod niya rito sa Pilipinas at wala naman siyang pamilya kaya lang dahil sa pagtulong na kanyang ginagawa ay kinakapos siya. Sabi niya sa sarili, mas makatutulong siya kung mas lalaki ang kanyang kita at ganoon nga ang kanyang ginawa.  

Para kay Gerardo, mas masarap ang tumulong kaysa gastusin niya sa mga luho niya ang kanyang pinagpaguran. Nakagagaan daw talaga ng loob at hindi niya namamalayan na wala naman siyang naiipon halos.

Hanggang isang araw, nakaramdam siya ng matinding pananakit ng kamay. Nang una ay binabalewala lang niya iyon, naglalaho rin naman kasi ang sakit. Kaya nga lang, dumalas nang dumalas ang pananakit ng kanyang kamay. Muntik na rin siyang maaksidente dahil sa biglang nakaramdam ng panghihina ang kanyang kamay habang tangan niya ang tray na may mga kape. Mabuti na lamang at nakita siya ng kanyang kasamahan at agad siyang tinulungan.  

Dahil nga sa madalas pananakit ng kanyang kamay ay nagpatingin siya sa espesyalista lalo’t may nararamdaman siyang bukol sa kanyang kamay. Doon niya nalaman na mayroon siyang hand cancer. Kaya naman, kahit asset siya sa kumpanya ay nawalan na siya ng trabaho. Ang gusto kasi ng kanyang employer ay iyong physically fit talaga.  

Kaya naman, mabigat man ang kanyang loob ay umuwi na siya ng Pilipinas. Gusto sana niyang mapangiti dahil maraming tao ang sumalubong sa kanyang pagbabalik. Naisip niyang mahal na mahal talaga siya ng mga tao dahil sa pagtulong na ginawa niya sa mga ito. Ngunit, parang gusto niyang ma-disappoint ng pagkaraan nitong i-welcome siya ay pasalubong agad ang hiningi ng mga ito.  

Dahil sa lagi niyang pagtulong, kakaunti lang ang kanyang naipon at sa palagay niya ay hindi sapat iyon para siya ay magamot. Dahil nga sa wala na siya halos pera, naisipan naman ng nakatatanda niyang kapatid na manghingi naman ngayon ng tulong sa mga taong natulungan na niya. Kaya lang, mangilan-ngilan lamang ang tumulong. Katwiran ng mga ito, walang pera ngunit makikita mo naman na maraming luho.  

Doon napatunayan ni Gerardo, na hindi lahat ng natulungan niya ay ibabalik ang tulong sa kanya kapag siya naman ang nangailangan. Gayunpaman, hindi naman niya pinagsisihan ang mga pagtulong na ginawa niya. Kaya nga sabi niya sa sarili na kung mamamatay siya ay magagawa niyang makapagmalaki kay God kapag sila ay nagkaharap na.  

Kaya mga ka-tsismosa, sana ay magsilbing aral ito sa inyo. Hindi naman masama ang tumulong pero sana naman ay magawa mo ring intindihin ang iyong sarili. Kailangan mo rin namang mag-ipon para sa kinabukasan dahil hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa susunod na mga araw.  

Nakikiramay po ako sa naiwang pamilya ni Gerardo…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here