Mga Nanlalamang, Minamalas

127

Kahit na ang buong mundo ay nagdurusa sa nakakamatay na Covid-19, may mga tao pa rin talagang nasisiyahan sa panlalamang na ginagawa sa kanyang kapwa. Walang ibang nasa isip kundi ang kumita kaya kahit na may mga taong nagigipit na ay wala siyang pakialam basta siya ay kumita.

Kalimitan, ganito ang estilo ng mga  negosyanteng nagpapanggap na nagigipit kaya binababaan ng husto ang sahod ng kanyang empleyado. Siyempre, ang kaawa-awang trabahador ay walang ibang pagpipilian kundi tanggapin na lang ang kayang ipasahod sa kanya ni Amo. Mas maigi ng may kakarampot siyang kita kaysa naman maranasan talaga niyang magutom ang kanyang pamilya.

Kung ikaw ang negosyante o taong mahilig na manlamang sa kanyang kapwa, huwag kang masyadong masiyahan ngayon dahil ang kapalaran ng tao ay maihahalintulad sa gulong. Kung sa palagay mo ay nasa ibabaw ka ngayon, huwag mong isipin na magiging permanente ‘yan dahil sa pagdaan ng panahon ay iikot ka rin at mapaailalim. Kaag nangyari iyon, mas mahihirapan kang umangat dahil may kasalanan kang pinagbabayaran.

Kaya, kung ayaw mong mawala ang lahat ng pinaghirapan mo, tigilan mo ang ginagawa mong panlalamang dahil walang maidudulot ‘yan sa’yo kundi kamalasan. Kung ayaw mo    namang dumating ang panahon na maranasan mong magdusa, ngayon pa lang ay huwag ka na gagawa ng masama.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here