Mga nabigo sa pag-ibig, nag-goodbye kay Prince Charming

0
405

Latest posts by PhilippineOne Contributor (see all)

MASAKIT ang manganak! ‘Yan ang katotohanan na hindi maipagkakaila ng mga ina kaya naman bilang ina, napakasakit kung masasama pa ang ugaling ng ating mga anak. Pero sa halip na magalit, napapaisip na lang din tayo, tinatanong ang ating sarili, ‘ikaw ba ay naging mabuting anak’. At kapag alam mong marami kang pagkukulong sa sarili mong mga magulang, parang gugustuhin mo na lang ding pumalahaw ng iyak.  

Pagkaraan ay maaalala natin kung anong klaseng lalaki ang pinili nating mahalin. Kung ako ang tatanungin mo, mariin kong sasabihin na walang kuwenta ang lalaking pinili ko kaya kung maaari lang na ibalik ko ang panahon, hindi ko nanaisin na maging bahagi pa siya ng buhay ko. Kaya nga lang, wala naman akong napulot na boteng may lamang genie. Kaya, no choice na ako kung tanggapin na ang walang kuwentang lalaki na iyon ay bahagi ng buhay ko.  

Ero, may mga babae namang na nasaktan pero hindi na makuha pang magtiwala sa kalalakihan ngunit dahil sa gusto nilang may makasama sa habambuhay ay pinili na lamang sa kapwa nila nila babae.  

Kahit naman napatunayan kong wala akong forever dahil hindi Prince Charming ang natagpuan ko kundi mukhang palaka, hindi ko pa rin nai-imagine ang sarili ko na makikipagrelasyon sa kapwa ko babae. Gayunpaman, nakakaramdam ako ng katuwaan kapag nakakakita ako ng babae na super happy sa piling ng isang tomboy.  

Ganoon naman talaga, hindi ba? May kanya-kanyang dahilan kung magiging maligaya tayo sa piling ng kapwa natin babae. Heto nga ang mga nakalap kong dahilan kung bakit sa panahong ito ay marami na ang nakakapagrelasyon sa tomboy at nagpasya ng kalimutan ang kanyang dating pag-ibig.  

Una, mas loyal ang tomboy kaysa kay guy. Siguro dahil hindi naman lahat ng babae ay bet din na pumatol sa tomboy. Kaya kung may babae ng natagpuan ang tomboy, sinisikap na nitong ibigay kay girl ang kanyang pagmamahal.  

Pangalawa, magaling talagang mambola ang mga lalaki. Kaya naman, hindi natin alam kung kailan ba sila nagsasabi ng totoo. Kaya naman, kapag nabigo ka na sa pag-ibig, parang napakahirap na talaga ang maniwala at magtiwala. 

Pangatlo, hindi mabubuntis kapag tomboy ang karelasyon. Kung minsan naman talaga ay nakakatakot na ang muli pang makipagrelasyon dahil baka ang natagpuan mo na naman ay walang kuwenta.  

Talagang may kanya-kanyang dahilan tayo kung bakit pinipili na lamang natin kung makikipagrelasyon pa ba tayo sa kapwa natin babae. Masakit naman kasi talaga kung muli ka na namang maloloko kaya mas maigi pa talagang iwasan na lamang natin ang makipagrelasyon sa iba. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here