MGA MISTERYO AT LIHIM NG PELIKULANG AVATAR (Part 1)

Nagtataka ba kayo kung bakit gayun na lamang ang tagumpay ng director na si James Cameron sa larangan ng pelikula? Na ang kanyang ginawang pelikula’y tumabo sa takilya at nagtamo ng mga karangalan? Nakamamangha na ang una at ikalawang blockbuster mocies of all-time na Titanic (1997) at Avatar (2011) ay pawang Si Cameron ang director. Sinasabi na ang sequel ng Avatar ay ipalalabas sa Disyembre 17, 2021.

May sikreto siya na siyang ilahahad natin sa artikulo na ito na sinuri ng mga nag-oobserba.

Ito umano ay hindi paninira sa kanya. Kundi, ito ay mismong ipinahayag ng mga nasa Illuminati Movie Industry. Ayon sa kanila, si Cameron ay miyembro ng Illuminati society at Freemason. Anila, ang pelikulang Avatar ay isang Satanic based. Ito umano ay patungkol sa extra-terrestrial life na pa-simpleng pinapaniwala ni Cameron ang mga tao na totoo ang tungkol sa kanila sampu ng mga Illuminati sa Hollywood sa larangan ng pelikula. Para sa mapanuring mga Kristiyano, ito ay labag umano sa doktrina ng Biblia. Sapagkat ang sangkatauhan lamang ang nabubuhay na naniniwala sa Diyos ang umiiral sa buong sansinukob.

Ang pelikula ay isang disturbing New World Order propaganda film kung saan ay lubhang anti-human in nature, partikular na anti-US in nature. Anila, karamihan umano sa ginawang pelikula ni Cameron ay anti- American at anti-human in nature. Ito ay dahil sa ang kanyang mga alien at robotic creatures sa kanyang mga mga pelikula ay pawang mga bayani na pumapatay ng masasamang tao o humans. Sa pelikulang Titanic, maraming tao ang namatay dahil sa lumubog na barko. Ito ay pa-simpleng pagpatay sa diwa ng tao upang ipalit ni Cameron ang diwa at dogmang “New Aged Human” kung saan ang tao na ang hukom at batas na papatay sa mga masasama.

Isa pa, sa Avatar ay kontrabida ang mga tao na sakim sa isang elemento na inapi ang mga alien people na Na’Vi. Pero, sa ibang pelikula, ang mga aline ang kontrabida na siyang gumagawa ng kasamaan sa sangkatauhan. Iginiit ng mga Kristiyanong dalubhasa sa misteryo, occult, at kahiwagaan na si Cameron ay isang mananambang mason ni Satanas.

Ang occultic meaning ng salitang Avatar ay talagang Lucifer o Satanas. Kung ilalagay ni Cameron ang tunay na kahulugan ng naturang pelikula, sino kaya ang manonood nito kahit gaano pa ito kaganda? Kaya ganun na lamang ang tagumpay ng Avatar sa takilya dahil sa lugod ng diyablo. May mga doktrina at simbolo si Taning na pa-simpleng naisingit sa naturang pelikula. Gaya na lamang ng modern DNA manipulation na isang proreso sa pinagpaging New aged humanoid o demonically possessed biological human entity.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here