Mga Maling Paniniwala Tungkol sa Sex

0
219

1. Hindi ka mabubuntis kung may dalaw ka. Totoo na mas mababa ang tyansa na ikaw ay mabuntis kapag nakipag unprotected sex ka habang mayroong menstruation, pero mayroon pa rin na maliit na posibilidad na ikaw ay mabubuntis. Ito ay makadepende kung ikaw ay fertile o nago-ovulate sa araw na iyon at sa mga darating na araw.

Ang babae ay pinakafertile 12 hanggang 16 araw bago ang kaniyang menstrual period. Kung ikaw ay may tipikal na menstrual cycle (28-30 araw), mababa ang iyong tyansa na mabuntis kung makikipagsex ka habang may regla. Pero, kung mas maiksi ang iyong menstrual cycle, lumalaki ang tyansa na ikaw ay mabubuntis dahil mas maaga kang magiging fertile. Bukod pa diyan, ang sperm ng lalaki ay kayang mabuhay ng hanggang 5 araw sa loob ng katawan, kaya maaari parin itong makapagfertilize ng egg cell limang araw matapos makipag-sex. Para makasiguardo na hindi ka mabubuntis, mainam na gumamit ng kontrasepsyon kung makikipagsex.

2. Maliit at mahirap hanapin ang clitoris.

Napakaraming memes tungkol sa mga tao na hindi marunong humanap ng clitoris. Pero, alam mo ba na hindi maliit ang clitoris?  Ang maliit na parte ng clitoris na nakikita natin ay tinatawag na clitoral glans. Ito ay nasa itaas na parte ng vulva at kadalasan ay bahagyang natatabunan ng clitoral hood. Pero, may mas mahabang parte pa ng clitoris na makikita sa ilalim ng labia minora at umaabot sa 5 pulgada ang haba.

3. Mas masarap ang sex kung mahal niyo ang isa’t-isa.

Kung gusto ka ng iyong partner, natural lang na mas magiging atentibo siya sa iyong nararamdaman habang kayo ay nagtatalik. Sumakatuwid, ikaw din ay mas nage-effort na mapasaya ang iyong partner sa kama kapag mahal mo siya. Base sa halimbawa na iyan, makikita natin na hindi naman pagmamahal kundi ang respeto at kagustuhan na mapasaya natin ang ating mga partner ang dahilan kung bakit mas nagiging maganda at masarap ang sex. Sa katunayan, may mga tao na kahit mahal ang isa’t isa ay hindi nagkakasundo pag dating sa sex. Ito ay dahil mayroon tayong tinatawag na sexual compatability – o ang antas ng pagkakapareha ng mga gusto natin tulad ng kinks at fetishes. Kung ikaw ay hindi sexually compatible sa iyong partner, hindi mo siya mapapasaya sa kama kahit na gaano mo pa siya kamahal.

4. Ang sex ay P in V lang.

Maraming iba’t ibang klase ng sex, at ang penis-vagina intercourse ay isa lang dito. Ang sex ay kahit anong sekswal na gawain ng dalawang tao. Kung kayo ay lesbians, ang pag-finger, dry hump, at paggamit ng sex toys ay isang klase ng sex. Ang oral at anal ay isang klase din ng pakikipagsex.

5. Hindi masarap ang sex kapag may condom.

Napakaraming lalaki ang ginagamit ang linya ito para ma guilt trip ang kanilang partner na makipag-sex na walang condom. Sa mga kababaihan, wag kayong maniniwala dito! Walang gaanong pinagkaiba sa pakiramdam ang pagsusuot ng condom. Sa katunayan, ang kawalan ng sensasyon na sinasabi ay maaaring dulot lang ng kakulangan sa lubrication, na pwedeng solusyunan sa paggamit ng lube. Puwede ring bumili ng mga “ultra thin” na condom na mas manipis at mas natural sa pakiramdam. Kung ang iyong partner naman ay nagrereklamo na ito ay masakit o hindi kumportable gamitin, maaaring siya ay gumagamit ng condom na masyadong masikip o maliit, at madaling masolusyonan sa pamamagitan ng pagbili ng tamang size.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here