Mga Maling Paniniwala Tungkol sa Pagkain (Part 3)

    431

    Ito ang pagpapatuloy ng mga maling paniniwala natin tungkol sa pagkain. Para sa mga naunang artikulo, maaari mo itong basahin dito: Part 1 at Part 2.

    1. Dapat mo hugasan ang karne para matanggal ang bacteria nito. Isa sa mga bagay na tinuro satin mula sa batang edad ay ang paghuhugas ng maayos para maging malinis, mapa bagay, damit, o pagkain pa iyan. Pero pagdating sa hilaw na karne, walang naitutulong ang paghuhugas sa paglinis nito. Sa katunayan, pwede pa itong makapagpalala sa pamamagitan ng pagkalat ng bacteria ng karne sa iyong kusina. Ang bacteria ay pwede mo malipat sa iyong lababo, sponge, at mga lugar na pwedeng talsikan o tuluan ng tubig galing sa karne. Mas mainam na lutuin na lamang ito ng hindi hinihugasan sapagkat lahat ng bacteria ay mapapatay naman ng tamang pagluluto. Kung hindi mo maiiwasan na madikit ang karne sa ilang gamit tulad ng sangkalan at kutsilyo, siguraduhin na linisin ito ng maayos o banlian ng mainit na tubig bago hugasan.

    2. Masama ang MSG. Maraming pagkain ngayon ang may tatak na “No MSG” dahil marami saatin ang naniniwala na masama ito sa katawan at nagdudulot ng sakit sa kidney at obesity. Ngunit walang isinagawa na pag-aaral sa tao na nagpapatunay dito. Ayon sa mga eksperto, bukod sa mas napapasarap nito ang pagkain ay wala tayong dapat ipagkabahala sa paggamit ng MSG.

    3. Mas masustansya ang fresh kaysa sa frozen na gulay at prutas. Karamihan saatin ay tinuruan ng mga magulang na bumili ng mga prutas at gulay sa palengke kumpara sa supermarket dahil mas maganda diumano ang fresh kaysa sa frozen. Pero ang totoo ay pareho lamang ang dalawa sapagkat hindi nababawasan ang nutrisyon ng mga frozen na pagkain kapag ito ay prinoseso agad matapos anihin. Sa katunayan, pwedeng mas masustansya pa ang frozen na pagkain kumpara sa hindi gaanong sariwa na produkto. Ang dapat mo suriin ng maayos ay ang mga naka de lata na pagkain dahil ito ay may karagdagan na kemikal kumpara sa frozen.

    4. Nakakatulong sa pagtulog ang paginom ng alcohol. Maraming manggagawa ang umiinom ng beer matapos ang mahabang araw ng pagtatrabaho dahil nakakatulong diumano ito sa pag-relax at pagtulog. Ang alcohol ay makakatulong sa pagpapaantok, pero sa kabuoan ay wala itong magandang benepisyo sa iyong pagtulog. Sa katunayan, napipigilan nito na magkaroon ka ng deep sleep na nagreresulta sa pakiramdam na kulang sa pahinga at tulog.

    5. Masama ang pagkain ng preservatives. Ang preservatives ay ginawa para mapatagal ang buhay ng mga pagkain. Kung walang preservatives, maraming pagkain ang masisira at hindi natin mapapakinabangan. At kung iiwasan natin ito, malilimitahan ang mga pagkain natin dahil halos lahat ng bagay na mabibili mo ay may preservatives – natural man o artificial. Ang dahilan kung bakit halos lahat ng pagkain ay meron nito ay dahil hindi naman nakakasama ang preservatives. Syempre magkakaroon ito ng epekto sa ating katawan kung sobra sobra ang pagkonsumo natin ng kemikal, pero hindi ka dapat mabahala dahil ang lahat ng produktong nilalagyan ng preserbatibo ay sinusuri ng FDA para masiguro na ligtas itong kainin.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here