MGA MALIGNO SA PILIPINAS

0
295

Rey de Leon

Author/Psychic/Photographer/Blogger

Latest posts by Rey de Leon (see all)

Bahagi na ng kulturang Pilipino ang paniniwala sa kakaibang nilalang tulad ng mga asuwang, engkanto, at maligno. Ang mga maligno ay mga “pangit” na bersiyon ng mga engkanto. Hindi tulad ng mga engkanto gaya ng mga diwata, dalaket (mga engkanto sa Biringan, Samar), at sirena na magaganda at kaakit-akit, ang mga maligno ay may nakatatakot na anyo.

         Ating kilalanin ang apat sa pinaka-popular na maligno sa Pilipinas.

  • Nunu (sa punso)—Sila ay itinuturing na pangit na bersiyon ng mga duwende. Sila ay kasinlaki rin ng mga duwende, ngunit sila ay naninirahan sa pusno o tumpok ng lupa. Sila ay maiitim, mabalahibo, kulot ang balat, marusing (hindi gaya ng mga duwende na maayos ang pananamit), at nakasuot ng salakot (hindi gaya ng mga duwende na nakasuot ng telang sombrero).  Dapat kang magpasintabi sa punsong madadaanan sa pagsasabi ng “Tabi-tabi po!”. Bawal din itong tibagin, duraan, at ihian kung ayaw mamaga ang ilang parte ng iyong katawan.
  • Tianak (tiyanak)—Sila ay masamang espirtu sa anyong sanggol na naninirahan sa mga kagubatan at kawayan. Ang mga nakatutuwaan ng tianak ay inililigaw. Upang makontra ito, kailangang baliktarin ang suot na damit.


  • Kapre—Sila ay malaking tao na madalas ilarawan na may nakasubong tabako sa bibig at nakatira sa ibabaw ng puno. Ang ilan sa karaniwang puno na kanilang tinitirahan ay acacia at balete. Sila ay mabalahibo at maitim. Kapag raw may nakita kang usok sa ibabaw ng  isang malaking puno, tiyak na may nananabakong kapre doon.
  • Magkukutod—Ito ay palasak sa Pampangga. Ang magkukutod ay hindi pangkaraniwang nilalang na may kakayahang ihiwalay ang ulo sa katawan.

L

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here