Mga Mainam Gawin Sa Madaling Araw

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

1.Uminom ng maligamgam na tubig

Marami na ang nakapagpatunay na ang pag-inom ng maligamgam na tubig sa madaling araw ay may malaking naitutulong sa ating kalusugan. Nililinis nito ang dadaanan ng ating pagkain. Malaking tulong sa digestion, constipation, pagbabawas ng timbang at pag-aayos ng sirkulasyon ng dugo.

2.Mag-exercise

Mainam din na bago pa man pumutok ang araw ay nasisimulan na natin ang pag-eehersisyo tulad ng pagdya-jogging. Tahimik pa ang daan at makukuha pa natin ang sapat na oras sa pagtakbo. Malaking tulong ito para sa ating kalusugan at pangangatawan.

3.Magreview

Kung gusto mo na hindi mo makalimutan ang irereview mo ay gawin mo ito sa madaling araw. Dahil fresh pa ang utak mo. Kung anong una mong mailalaman sa isip mo sa iyong paggising ang siyang magiging laman nito sa buong maghapon.

4.Magplano

Kung mainam magreview sa madaling araw ay mainam din ang gumawa ng mga plano. Dahil ang utak mo ay wala pang stress, kaya naman makakaisip ka pa ng magagandang plano kaysa gawin ito na kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip mo. Wala pang destruction sa madaling araw kaya magagawa mo ang pagpaplano ng maayos para halimbawa sa trabaho at gagawing activity o event.

5.Makipagsex

Ang sex ay parang ehersisyo rin. Kaya kung ito ay gagawin mo sa madaling araw para ka na ring nag-eehersisyo ng maaga pa lang. Nakakapagpasigla ang sex at nakakapagpabata ng pakiramdam ayon sa mga eksperto. Tandaan lamang na ang pakikipagsex ay dapat sa tamang kapareha at nasa tamang lugar din.

Ilan lamang ang mga ito sa mainam gawin kapag madaling araw. Mas maaga mas mabuti. Ang sabi nga ng mga matatanda, dapat ay maaga tayong gumigising upang hindi mahuli sa mga biyaya at isa pa ay upang maaga natin matapos ang mga dapat nating tapusin. Kung ikaw ay tanghali na gumising , ibig sabihin ay late ka na natulog. Samakatuwid, ikaw ay nagpupuyat na alam naman nating lahat na ito ay hindi mabuti para sa ating kalusugan at kaisipan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here