MGA MA SWERTENG SENYALIS

(Na Baka Hindi Nyopa Alam)

•Kapag nakakita ng dilaw na paruparo, ito ay magdadala sa iyo ng suwerte.

•Ang puting paruparo ay palatandaan na darating na ang kayamanan o Swerte.

•Kapag nakarinig ng huni ng ibon sa madaling araw, ang suwerte ay malapit nang dumating sa iyo.

•Kapag nanaginip ng isda at mga puno, ito ay senyales ng pagdating ng pera at kaligayahan sa buhay.

•Susuwertehin ang buhay kung ang magiging anak ay ganito ang pagkakasunod: tatlong magkakasunod na babae + bunsong lalaki or tatlong magkakasunod na lalaki + bunsong babae.

•Ang isang bahay na madalas pagkumpulan ng itim na langgam ay nagpapahiwatig na ang may-ari ng bahay ay magiging mayaman.

•Kapag bumulaklak ang iyong Chinese bamboo plants, may darating sa iyong pera.

•Hindi ka magiging maunlad kapag ipinatong mo ang iyong wallet o bag sa sahig.

•Kapag ikaw ay nakapulot ng barya, ilagay mo ito sa iyong wallet para hindi ka maubusan ng pera.