Mga lumang aklat may halaga pa ba?

0
29

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Sa panahon ngayon, sino na lang ba ang nagbabasa ng mga lumang aklat? Yung mga aklat na naglalaman ng kasaysayan ng buong mundo.Kung meron man ay tiyak na hindi kasing dami ng mga nagfe-facebook. Hindi kasing dami ng mga gumagamit ng cellphone o ng mga makabagong gadget. Halos lahat naman kasi ay mababasa na daw sa internet. Halos lahat ng kailangan ng mga estudyante ay matatagpuan na nila sa google. Wala itong katotohanan. Naniniwala ako na marami pa ring nilalaman ang mga lumang aklat na hindi pa naidodokumento sa social media. Mga tagong kaalaman na matagal na nakaimbak sa mga lumang pahina ng mga aklat na tinirahan na ng mga alikabok. Kung tayo ay magsasaliksik, siguradong mas higit pa sa kaalaman ng google ang matutuklasan natin. Mga sinaunang kaalaman na pinaghirapang sipiin ng mga sinauna pang manunulat.

Sa mga lumang library o maging mga lumang kabahayan na nagsinop sa mga lumang aklat, ay matatagpuan natin ang mga libro ng pag-asa. Bakit ko ito tinawag na libro ng pag-asa? Dahil ang mga librong ito ang unang nagmulat sa atin sa mga bagay na hindi natin nakikita o hindi kayang ipaliwanag. Ang mga librong ito ang nagbigay pag-asa sa mga sinaunang tao sa mga bagong pagtuklas at nagpapaalala sa ating pinagmulan. Nagbigay pag-asa sa mga posibilidad ng buhay sa hinaharap. Siksik liglig ang kaalamang inihatid sa atin ng mga lumang aklat kaya’t huwag sana nating balewalain ang mga ito. Ibigay pa rin natin sa kanila ang pagpapahalaga na ibinigay natin sa kanila noong una. Huwag nating isantabi ang kayamanang nilalaman ng bawat libro na nilikha ng matatalas na isip, na hinabi mula sa katotohanan ng buhay at sa kasaysayan nito.Ipakilala rin natin sila sa bagong henerasyon upang hindi sila mawala sa sirkulasyon gaano man karami ang magsulputan na mga bagong aklat ng kaalaman na hindi na lang natin mababasa sa imprenta kundi mababasa na sa pamamagitan lang ng pagbobrowse sa cellphone.

More I AM FILIPINO

More TIPS

More Camille Jacinto

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

SHARE
Previous articleLucky House Feng Shui
Next articleOnline Horoscope Agosto 10 2018
I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here