Mga Linta Sa Panaginip

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

Sinasabing ang mga linta ay kasintanda na rin ng tao sa mundo. May mga linta na nabubuhay sa tubig tabang, sa lupa at gayundin sa dagat. May mga linta na hindi naninipsip ng dugo subalit karamihan ay naninipsip. Kapag ikaw ay nakagat ng linta,hindi mo ito madadaan sa biglaang pagtanggal, dapat ay idarang mo muna siya sa apoy upang kusa siyang lumayo sa iyong balat. Hindi naman nakakamatay ang kagat ng linta maliban kung ito ay makakapasok sa iyong katawan. Kung sa panaginip mo naman pumasok ang isang linta o mga linta, ito ay may nais ipahiwatig sa’yo na kailangan mong malaman upang sa hinaharap at katotohanan ng iyong buhay ito ay mapaghandaan.

Kung ikaw ay nakakita ng isang linta sa iyong panaginip, isang kaibigan ang nakatakdang magtraydor sa’yo. Maaaring siya ay magsabi sa ibang tao ng hindi totoo tungkol sa’yo. O kaya ay pwede rin namang siya ay magkaroon ng lihim na pagtingin sa taong iyong minamahal. Posible na hindi mo agad malaman ang pagtatraydor na ito subalit kahit anong pagtatakip, kalaunan ito ay sisingaw at sisingaw sa ayaw man niya at sa gusto.

Kung ang makikita mo naman sa panaginip mo ay grupo ng mga linta, ito ay nangangahulugan na ikaw ay mapagkakaisahan. Halimbawa ay mga kasamahan mo sa trabaho. Pwedeng may magawa ka na hindi nila magugustuhan kaya ikaw ay kanilang pagkakaisahan. Maaari silang makagawa ng isang aksyon laban sa’yo na syempre pa ay hindi mo rin magugustuhan. O pwede rin namang ito ay hindi sa trabaho kundi sa grupo ng iyong mga kaibigan.

Kaya naman sa oras na ikaw ay makapanaginip ng linta, dapat kang maging alisto sa mga tao na nasa paligid mo. Pero hindi lang sila ang dapat mong bantayan kundi dapat mo ring bantayan ang sarili mong kilos at pananalita dahil may posibilidad na sa’yo rin magsimula ang pagkakamali. Kung sakali man na mangyari ang hindi inaasahan, tulad ng isang linta na kumapit sa isang tao, may paraan para ito ay matanggal sa kanyang katawan at may paraan din para ang problemang kakapit sa’yo na parang isang linta ay masolusyunan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here