Mga Libra, mahilig magpapansin

Latest posts by Patrice Miranda (see all)

Libra ang iyong zodiac sign kung ipinanganak ka ng September 23 to October 23. Kaya lang may pagkakataon na ang October 23 ay nalalaglag sa Scorpio, tulad ko. Kaso nga lang, masasabi kong mas akma ako bilang LIbra.

Ayon kasi sa mga librong nabasa ko, kabilang na roon ang libro ni Maestro Honorio Ong, ang mga Libra raw ay mahilig magpapansin. Siyempre, bilang manunulat, talagang gustong gusto kong napapansin ang mga gawa ko. Ibig ko kasing sumikat sa aking larangan kaya naman sulat ako ng sulat. Baka kasi sa kakasulat ko ay bigla rin akong sumikat tulad ng iba. Pero, hindi ko maiwasang itanong sa aking sarili, kulang ba ako sa pansin?

Hmmm, pwede na KSP ako pero sabi nga, di naman talaga KSP ang mga Libra. Sa katunayan nga, sobra-sobra silang napapansin kaya nga madalas ay kinaiinggitan ang mga Libra. Paano nga, kapag sila ang gumawa ay siguradong magiging kapansin pansin at talaga namang hahangaan.

Kaya kung ang liligawan o sasagutin mo ay isang Libra, asahan mo na hindi sila mahilig sa simpleng bagay. Ang gusto nila ay laging may dating. Kaya kung magkakaroon kayo ng date, huwag mong asahan na simpleng dinner lang ‘yan. Siyempre, magiging bongga ‘yan dahil nga sa isa siyang Libra. Kaya, ang simpleng dinner ay pupuwedeng maging romantic dinner date with matching candle light at may sweet music pang kasama.

Kung isa kang LIbra, talaga nga bang mahilig kang magpapansin?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here