MGA LALAKING MAY KUMPIYANSA SA SARILI, SIYANG GUSTO NG MGA BABAE

0
64

Inisip mo na ba kung bakit ikaw ang pipiliin ng isang babae? Kung ikaw ay direkta at may kumpiyansa sa sarili habang ang iba ay wala, huwag ka nang magtaka – ikaw ang malinaw na mananalo sa kanyang mga mata.

Anu ba ang kadalasang reklamo ng mga single women na nakikipag-date, iyong mga lalaking walang malinaw na plano, walang solidong intensyon at ginagawang nakababagot ang date kaysa isang masayang pagsasama.

Ang mga babae ay nais ang mga lalaking may kumpiyansa sa sarili at malinaw ang direksyon tinatahak. Narito ang apat na dahilan kung bakit nais ng mga babae na makipag-date sa lalaking may kumpiyansa sa sarili

1. Hindi pagmumulan ng mga unnecessary stress

Ang pakikipag-date ay dapat na masaya, hindi stressful. Mahirap pagkatiwalaan ang tipo ng lalaking hindi direktang makitungo o kaya ay hindi malinaw ang sarili, at ang pakikipag-date sa mga ganitong klase ng lalaki ay nagpapababa lamang ng kumpiyansa rin ng babae, dahil matagal ding hinuhulaan niya ang damdamin ng lalaki.

Kapag ka-date ang isang babae, magpakita ng tunay na interes sa kanya upang maging tunay na kasiya-siya ang inyong date. Iparamdam sa kanya na secure siya. Kung hindi, bababa lang din ang kumpiyansa niya sa sarili na mahalaga sa kanya.

2. Ang direktang lalaki ay nagpapamalas ng kumpiyansa sa sarili

Ang mga lalaking may kumpiyansa ay tunay na sexy. Ang kumpiyansa ay nagmumula sa pagiging secure sa iyong sarili at kailangan ng kumpiyansa upang maging direkta ka. Batid ng mga babae na ang dalawang katangiang ito ay dapat na magkaagapay.

Ang mga direktang lalaki, o iyong tinatawag na alpha male type, ay ang mga klase ng lalaki na kadalasang naaakit ang mga babae. Ang dahilan nito ay may kumpiyansa ang lalaki na kamtin kung anuman ang kanyang nais. Ang kumpiyansang lalaki ay susuyuin ang babaing nais niya.

3. Ang direktang lalaki ay hindi sinasayang ang oras ng babae

Ang mga direktang lalaki ay magiging tapat kung hindi niya nararamdaman ang koneksyon pagkalipas ng ilang date nila ng babae, at hindi naman siya mamomroblema na maging direkta sa pagsasabi na tunay na nais at may koneksyon siyang nararamdaman sa ka-date niyang babae. Ang mga lalaking walang kumpiyansa sa sarili ay kalimitang iniiwasang maging tapat at mas hahayaang masayang ang oras ng babae.

Ang kagandahan ng maging direkta at tapat ay mararamdaman ng babae ang kumpiyansa na mabatid kung may gumugulo sa iyong isipan, magiging tapat ka at pag-uusapan ninyo ito, na dahilan upang maging payapa ang kanyang isipan. Kung hindi tapat at mahirap basahin, ia-assume ng babae na umiiwas kang maging tapat. Na maaaring dahilan para masayang lang ang oras niya sa iyo.

4. Ang direktang lalaki ay magsasabi ng tapat.The Direct Man Wears His Heart On His Sleeve

Ang direktang lalaki ay magsasabi ng tapat at hindi takot sa rejection. Tapat siya sa kanyang emosyon at malayang makikipag-usap tungkol sa kanyang nararamdaman at naiisip.

Ang mga babae ay mas naaakit sa mga lalaking nagsasabi ng kanilang emosyon kaysa mga lalaking sinasarili ang lahat ng damdamin. Ang transparency ay susi sa relasyon dahil hinahayaan nitong mas maging malapit siya sa iyo at dahilan para sumulong ang relasyon kaysa ito masira. Kaya kung tunay na gusto mo siya, maging direkta at tapat sa kanya, ihayag ang tunay na damdamin sa kanya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here