Mga katangian ng mabuting empleyado

Una, masipag at responsable. Ginagawa at tinatapos niya ang trabaho na nakatoka sa kanya. Kung kinakailangan, hindi siya aalis o uuwi hangga’t hindi niya natatapos ang kanyang trabaho. Doon niya kasi nagagawang ipakita ang kanyang pagkaresponsable.

Pangalawa, magalang sa boss. May mga pagkakataon na nagagalit si Bossing dahil sa mga pagkakamali ng empleyado. Kung nagagalit man ang iyong boss, walang dahilan para magtanim ka ng galit sa kanya. Ibig lang naman kasing itama ang pagkakamali. At ang mabuting empleyado ay nanatiling magalang sa kanyang boss.

Pangatlo, bigay todo sa pagpapakita ng kanyang talento. Hindi muna niya iniisip kung magkano ang matatanggap niya sa kanyang sahod. Ang importante sa kanya ay iyong maibahagi ang kanyang galing. Alam niya kasing mas magiging madali ang kanyang pag-asenso kung masisiyahan ang kanyang boss sa trabaho.

Pang-apat, hindi madalas mag-absent at ma-late.Wala naman talagang taong perpekto at hindi natin kontrol palagi ang sitwasyon. Hindi man natin gustuhin pero um-absent at nali-late tayo kapag mayroong mabigat na dahilan lamang. Hindi gawain ng mabuting empleyado na iwanan ang kanyang mahalagang trabaho para lamang maglakwatsa.

Panlima, mabuting kasamahan sa trabaho. Hindi mo naman kailangan ang manira para lamang umangat ka. Kailanman ay hindi ito naiisip ng mabuting empleyado.Sa halip, magiging mapagkaibigan siya.

Ikaw, anong klaseng empleyado ka?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here