MGA KATANGIAN NG ISANG INBORN TOXIC PERSON, ALAMIN!

0
1384

Rey de Leon

Author/Psychic/Photographer/Blogger

May mga taong tila ang gaang-gaang kasama. Sila yaong mga taong titigan mo pa lamang ay masi-sense na ang kaniyang positive aura at mahahawa ka sa kaniyang positive vibes.

          Dahil sa isa sa mga Law of Universe na tinatawag na Law of Duality, ang isang positive energy ay may counterpart na negative energy.

          Alamin ang 12 Batas ng Universe, at manalo sa laro ng buhay. I-click lamang ang link: https://philippineone.com/kapangyarihan-april-13-ang-12-batas-ng-universe-5444/

          Ang mga toxic people ay source of negativity. Ang kanilang presence ay mabigat sa pakiramdam. Sila ay laging pinagmumulan ng gulo, intriga, at away. Sila ay tinatawag ring mga psychic vampire.

          Para sa kumpletong babasahin patungkol sa mga psychic vampire, i-click lamang ang link: https://philippineone.com/kapangyarihan-june-28-psychic-vampire-ka-ba/

          Lahat ng tao, sa isang punto, ay may tendency na maging toxic sa isang partikular na sitwasyon.   Ang stress at problema ay ilang factor na sanhi upang maging toxic ang isang tao.

          Ngunit ayon sa mga Psychologist, may ilang specific characteristics na common sa bawat in-born toxic people.

  1. Ugali nila ang manisi. Bahagi ng kanilang motto ang blame game. Bulag sila sa kanilang mga sariling kamalian, ngunit napakalinaw ng mga mata sa kakulangan ng kanilang kapuwa. Mas naka-focus sila sa kakulangan kaysa kabutihan. Walang mainam sa mata ng isang toxic person. Para sa kanila, sila lamang ang tama. Anumang pamantayan at gawi na labas sa kanilang nakasanayan ay itinuturing nilang mali.
  • Libangan nilang pintasan ang kapulaan ng kanilang kapuwa. Kung may isang common trait na tinataglay ang bawat inborn toxic people, ito ay ang natatangi nilang kakayahang manlait, mang-alipusta, at gawing katatawanan ang kapulaan ng kanilang kapuwa-tao. Sa mata ng mga toxic people, sila lamang ang mga perpektong nilalang sa buong uniberso. Napakadali para sa kanila na punahin ang anumang kamalian, kapintasan, at kakulangan ng kanilang kapuwa. Ito ang ginagawa nilang armas upang sirain ang kompiyansa ng kanilang kapuwa.
  • May kakayahan silang magmanipula. Likas sa mga toxic people na paikutin ang mga tao sa kanilang paligid at pasunurin sa kanilang kagustuhan. Paborito nilang gamitin ang psychological attack at mind games upang manipulahin ang kanilang kapuwa. Ipaparamdam nila sa iyo na ikaw ay walang halaga o higit na mababa sa iyong likas na kakayahan upang humina ang iyong kalooban.
  • Sila ay mga likas na maintriga, mahilig sa tsismis, at may malaking inggit o insecurities sa katawan. Ang lahat ng ito ay common sa bawat inborn toxic people. Nakakakuha ng lakas at kasiyahan ang mga toxic people sa kabiguan at kalungkutan ng kanilang kapuwa.

Ang tanging sandata laban sa kanila ay ang ma-master mo ang “art of deadma”. Ang mga toxic people ay nabubuhay sa kanilang fantasy world kung saan sila lamang ang mga perpektong nilalang sa buong universe. Upang masira ang kanilang fantasy world, ipakita sa kanila na hindi ka apektado sa kanilang negativity. o

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here