Mga Kapakinabangan sa Duhat

0
102

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Nakakain ka na ba ng Duhat? Kung titingnan ay para siyang ubas. Sa ingles ito ay tinatawag na Java Plum or Black Plum. Tumutubo ito sa maraming lugar sa Pilipinas. Ang puno ng Duhat ay may mga dahon na mahabang bilugan, may kumpol-kumpol at maputing bulaklak. Ang bunga ay maitim na balat at kulay lilang laman. Ito ay may scientific name na Myrtus Cumini Linn:Syzygium Cumini Skeels: Eugenia djouat Perr. Tulad ng ibang prutas, ang Duhat ay marami ring kapakinabangan. Halos lahat ng bahagi nito ay may makukuhang benepisyo.

Balat ng kahoy- Ang balat ng kahoy nito ay pwedeng ilaga at ipainom sa may sakit.

Dahon- Ang katas ng dahon naman nito ay maaaring gamitin bilang pamahid sa mga hindi magandang kondisyon sa balat. Pwede ring ipangtapal sa mismong apektadong balat ang dinikdik na dahon nito.

Bunga- Tulad ng dahon, ang katas ng bunga ng dahon ay maaari ring gamiting panggamot sa ilang kondisyon sa katawan.

Buto- Upang mapakinabangan naman ang mga buto nito, ito ay kailangang patuyuin at saka durugin upang magamit din bilang gamot.

Ilan sa mga sakit na maaring magamot ng mga bahagi ng duhat ay sakit ng tiyan, sugat, pagsusugat ng gilagid, pamamaga sa katawan, pagtatae, sore throat at diabetes.

Ang pagkain sa hinog na bunga ng duhat ay makakatulong sa pagkontrol sa sakit na diabetes. Ang pinaglagaan ng balat ng kahoy ay maaring ihalo sa gatas upang ipanggamot sa pagtatae ng bata. Maari ding ipangmumog ang pinaglagaan ng balat ng kahoy upang maibsan ang pagsusugat ng gilagid at pinapangmumog din para naman bumuti ang pakiramdam ng lalamunan. Habang iniinom naman ang pinaglagaan nito para sa sakit ng tiyan o impatso. Ginagamit rin itong ipanghugas sa sugat upang mabilis na gumaling.

Tulad ng ibang prutas na ginagamit natin bilang gamot, ito ay wala ring sapat na pag-aaral subalit nasubukan na ng marami. Mas mabuti pa ring ikonsulta sa doktor ang anumang karamdaman upang makasiguro.

More I AM FILIPINO

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

More Tanong mo Sagot ko

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here