Mga Kababalaghan, Paano Maiiwasan?

Latest posts by Myrna Maravilla (see all)

May mga tao na sadyang mahilig sa mga kababalaghan. Yung tipong naibibigay nito ang thrill na hinahanap nila sa kanilang buhay. Pinaniniwalaan ang anumang bagay o sitwasyon na may kaugnayan dito. Kahit pa maapektuhan na nito ang kanilang araw-araw na buhay. At hindi nila ito itinatago kundi masaya silang naibabahagi sa iba ang kababalaghan sa kanilang karanasan. To the point na kung minsan ay hindi na nila alam kung ano na ang katotohanan at hindi sa mga sitwasyon dahil sa kanilang pinaniniwalaan.

Pero paano naman kung ang isang tao ay walang paniniwala rito? Yung tipong hindi siya naniniwala sa mga aswang o kakaibang nilalang. Yung hindi siya naniniwala na ang mga multo ay nasa paligid lang, na merong mga ligaw na kaluluwa, na sadyang may mga kakatwang bagay o pangyayari na mahirap ipaliwanag at maski ang syensa ay nahihirapan na iklaro ito.Kung ikaw ang tipo ng tao na makakita o makaranas man ng kababalaghan sa buhay ay pilit pa ring kukumbinsihin ang sarili na ito ay walang katotohanan, may paraan naman para ito ay maiwasan at tuluyan mong maialis sa sistema ng iyong buhay.

Ang kailangan lang ay mapanindigan mo na kahit anong mangyari ay hindi ka maniniwala rito. Sa kabila ng mga kababalaghan ay pipiliin mong pagtibayin ang pananalig mo sa Diyos. Huwag mo itong i-entertain sa isip mo at sa puso mo lalo na kung alam mo na hindi ito makakabuti sa’yo. Bagamat ang mga himala ng Diyos at ang Diyos mismo ay isang malaking kababalaghan sa ating isipan dahil sa dami ng ating katanungan tungkol dito, dapat ay alam mo na doon lamang sesentro ang iyong isip at hindi na tatawid pa sa ibang mas nakalilimang na kahulugan nito. Dapat mong ipokus ang iyong atensyon sa mga bagay at tao na para sa’yo ay positibo. Yung alam mo na hindi magtutulak sa’yo sa malalim na balon ng kababalaghan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here