MGA ILANG BAGAY NA MAKAKATULONG UPANG LABANAN ANG DEPRESYON

    Kung ikaw ay nakararanas ng depresyon, inaanyayahan ka naming magpunta sa isang doktor dahil sila ang magiging malaki ang tulong saiyo ngunit narito ang mga bagay na maaring makatulong sa iyo.

    1. EXERCISE

    Mag brisk walk ng 15-30 minuto araw-araw, o sumayaw, jog, o kaya naman mag bike kung mas gusto mo. Ang mga taong depress nakakaramdam ng pag ka tamlay. Pero mag pursigi ka na maging active, ayain mo ang iyong kaibigan na mag exercise kasama ka kung kailangan mo ng motivation. Kung nasanay ka na sa exercise habit, hindi mo mararamdaman na nagbabago na ang iyong mood.

    Dagdag pa subukan mo rin mag aerobic exercise, ang ibang yoga poses ay nakakatulong upang mailabas mo ang iyong stress. Subukan mo ang downward-facing dog o legs-up-the-wall pose, makikita mo ang mga gantong poses sa mga yoga websites. Ang dalawa din na aslectmg yoga ang breathing exercise at meditation, matutulungan ka rin neto na mapabuti ang iyong nararamdaman.

    2. BIGYAN ANG IYONG SARILI NG NUTRITION

    Ang depression ay nakakaapekto sa iyong pagkain. Pwedeng ang isang tao ay hindi nakakakain dahil walang gana, pero meron din naman na nasosobrahan sa pagkain. Kung ang depression ay naapektuhan ang iyong pagkain, kailangan mong isipin kung ano ang mas makabubuti sa katawan mo. Ang maayos na nutrition ay kayang maimpluwensyahan ang mood at enerhiya ng isang tao. Kaya kumain ng maraming prutas at gulay at kumain sa tamang oras. Kung hindi ka naman nagugutom subukan mo parin kumain ng kahit kakaonting piraso ng prutas para ganahan ka sa mga gagawin mo.

    3. ALAMIN MO ANG PROBLEMA NGUNIT WAG MO ITONG PAGTUUAN NG MASYADONG PANSIN

    Subukan mong alamin ang kahit na anong sitwasyon na nakadadagdag sa iyong depression. Kung alam mo na kung ano ang nakapag aapekto sayo at kung bakit, pag-usapan niyo ito kasama ng iyong maalagain na kaibigan. Ang pakikipag-usap ay paraan upang mailabas mo ang iyong nararamdaman at maka receive ng pag-unawa.

    Once na nailabas mo na ang iyong iniisip at damdamin, ibalin mo ang iyong atensyon sa mga bagay na positibo. Gumawa ng action na makakapag-solve sa iyong problema. Humingi ng tulong kung kinakailangan. Ang pakiramdam na konektado ka sa pamilya mo at kaibigan ay nakatutulong na mailabas mo amg iyong depression. At matutulungan ka din nila kung may maitutulong man sila kaysa panoorin ka lang na nasasaktan.

    4. I-EXPRESS MO ANG IYONG SARILI

    Kung kay depresssion, natatakpan ang pag ka creative at pag ka masiyahin ng isang tao. I-exercise mo ang iyong imahinasyon subukan mag painting, drawing, doodling, sewing, writing, dancing, composing, kumanta. Mag bigay ng oras na makipag-laro sa kaibigan o sa alaga mo man yan. Gumawa ka ng mga bagay na makapag papaligaya sayo. Humanap ng bagay na kaya kang patawanin, manood ng movie. Amg pagtawa ay nakatutulong upang mapagaan ang iyong nararamdaman.

    5. SUBUKAN MONG PANSININ ANG MABUTING BAGAY

    Ang depression ay naaapektuhan ang pag iisip ng isang tao, nagagawa nitong mag mukang malungkot ang isang bagay, maging negative, at maging walang pag-asa. Kung ang depression ay pinaparamdam sayo na lahat ng nakikita mo ay negative, gumawa ng effort na makatutulong upang makakita ng mga positibong bagay sa buhay. Subukan mong pansinin ang isang bagay, tapos subukan mong mag-isip ng isa pang bagay. I-consider mo ang iyong kalakasan ay regalo o blessing. Pinaka importante sa lahat, wag mong kalimutan na maging patient sa iyong sarili. Depression ay kailangan ng oras para gumaling.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here