MGA HOLLYWOOD AKTRES NA NAGKAROON NG KAUGNAYAN SA FOUNDER NG SIMBAHAN NI SATANAS

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Kilala nyo ba si Anton Szandor LeVay? Papaano siya naging maimpluwensiyang indibidwal? Sa anong paraan siya nagkaroon ng kaugnayan sa mga sikat at magagandang aktres ng Hollywood? Bakit siya kinamuhian ng karamihan at tinaguriang anti-Cristo? Sinu-sino ang mga maningning na mga bituin noon sa Hollywood na nagkaroon ng kaugnayan sa founder ng Church of Satan?

Si LeVay ay ipinanganak noong Abril 11,1930 at namatay noong taong 1997. Kilala rin siya bilang Ama ng modernong Satanism at nagtatag ng High Priest of the First Satanic Church sa San Francisco California. Itinatag niya ang Church of Satan noong Abril 30,1966. Nakapagsulat din siya ng mga libro kabilang ang Satanic Bible.

Ang naturang kelot ay respetado sa kabila ng kanyang kakatwang relihiyon at inibig at umibig sa ilang bituin sa Hollywood. May mga ilan sa mga ito ang kanyang naka-relasyon. Ang love affair nito kay Marilyn Monroe na isang Jewish girl ay nagsimula noong tinulungan siya ni LaVey s akanyang kanyang performance bilang striptease sa mga strip clubs.

Naging daan at koneksiyon ni Monroe si LeVay sa kanyang career bilang isa pinaka-pamosong bituin sa Hollywood. Kasunod nito ay naka-relasyon din niya si Jane Mansfield at Zsa Zsa Gabor.

Si Mansfield ay isa palang High priestess ng Church of Satan at si Marilyn ay may partisipasyon sa mga satanic rituals ni LeVay bago pa nito itatag ang naturang simbahan ng diyablo. Bago pa naka-relasyon sina Monroe at Mansfield ni US president John F. Kennedy at ng kanyang utol na si Robert ay naging sexual slaves na sila nung una. Pinaniniwalaan na kayang kontrolin ni LeVay ang pag-iisip at kayang diktahan ang ilang actor at actress sa Hollywood.

Ang misteryo sa kamatayan nina Monroe, Mansfield at ni Kennedy ay manipulado raw ni LeVay bilang haing alay sa kinikilalang creator. Aniya, may conspiracy din sa pagitan nina LeVay at Robert Kennedy na sumang-ayon ito sa super-secret agenda ng US government na ipapatay si John Kennedy. Ayon sa iba, nagalit si LeVay dahil batid niyang ipinapatay ni John Kennedy si Marilyn upang mapagtakpan ang pagtataksil nito sa kanyang asawang si Jackie Onassis. Sinumpa niya ang presidente at si Jane Mansfield na mamamatay dahil umalis ito sa kanyang simbahan. Dahilan ng kampo ni Mansfield na naapektuhan ang career nito dahil sa negatibong kritisismo mula nang malamang member ito ng Church of Satan.

SHARE
Previous articleGood Vibes O Pampasuwerte?
Next articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 12, 2019
Ravenson Biason: Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here