Mga Hayop na nagbibigay Pampaswerte sa buhay

Mahilig ka bang mag-alaga ng hayop? Ang masasabi ko ay napakasuwerte mo kung magsasabi kang ‘oo’. Talaga naman kasing nasa mga hayop na ito ang suwerte kapag sila ay nagawa mong alagaan ng may buong pagmamahal. Kaya, huwag na huwag kang mananakit ng hayop lalo na ang aso at pusa dahil nasa kanila ang suwrte na alam kong matagal mong hinihintay,

Ang aso kasi ay may kakayahan maggabay sa’yo para ikaw ay magkaroon ng magandang buhay dahil nagagawa k niyang maigiya sa tamang landas. Kapag kasi may aso ka ay natututo kang magpahalaga sa buhay ng iba. Biruin mo ba naman. Hindi mo siya magagawang matiis na makikita siyang nagugutom at lalo na nahihirapan. Kaya, may pagkakataon pa talaga na matuto kang mas magmahal.

Ang pusa naman ay magagawang makapagtaboy ng kamalasan sa’yong buhay dahil nga kahit na maliit na nilalang lang sila ay nagagawa nilang malabanan ang mga nilalang na maaaring mapagbigay sa’yo ang kamalasan. Idikit lang nila sa katawan mo ang kanilang katawan ay magagawa na nilang mapalis ang mga negatibong enerhiya na dumadaloy sa’yong katawan dulot ng masasamang espirito.

O, siguro naman ay hindi mo in gugustuhin na malasin sa buhay, hindi ba? Kung ganoon, kailangan mo ang tulong ng aso at pusa para naman maging madali sa’yo ang magkaroon ng magandang kapalaran. Ang kailangan mo lang namang gawin ay maging mapagmahal sa hayop. Para mas makumbinsido ka pa, naririto ang ilang pahayag ng mga taong nagawan kong kunan ng pahayag.

“Hindi ko gusto ang hayop lalo na ang mga pusa at aso. Wala na nga kaming makain sa bahay, dadagdagan ko a ng hayop. Baka mamaya niyan ay siya ang mailuto namin sa sobrang gutom. O, di mas nakakaawa sila.”  — Rafael

“Masarap mag-alaga ng pusa dahil tuwina ay may nalalambing ka. Iyon nga kang, walang tigil sa panganganak. Kaya nga, nagmukha ng orphanage ang bahay ko. Pero, nakakatuwa naman sila kahit pa sabihing magastos din naman sila.” — Kane

“Hindi ko pinagsisisihan na nagkaroon ako ng alagang aso. Para ngang nagkaroon ako ng kaatid. At dahil nga sa sobra kong mahal ang aso ko, minsan napagkakamalan ko na rin siyang kapatid dahil gusto kong lagi siyang makasama. Siguro ay dahil sa wala naman talaga akong kapatid.” — Mae

“Noon,  ayoko talaga ng pusa kaso minsan ay parang iniligtas niya ako sa kasamahan. May pamahiin kasi na kaag nakakita ka raw ng pusang itim ay huwag ka na tumuloy sa lakad mo at ganoon nga ang nangyari. Hindi ako umalis ng gabi na iyon kahit anong pilit ng barkada ko at naaksidente sila. Kaya, mula noon ay nag-alaga na rin ako ng pusa. Hindi nga lang itim na itim.” —  Vince

“Mula ng magkaroon ako ng alagang aso, gumanda na ang buhay ko. Parang siya ang naging guardian angel ko dahil parang wala na akong maling ginagawa. Lahat na lang ay mabubuti. Naniniwala kasi ako na kapag mabait kong tao ay magiging mabait din ang aking alaga na sobrang mahal na mahal ako” — Wilma

“Nang ma-brokenhearted ako, aso ang naging karamay ko. Lagi siyang nakabantay sa akin. Kini-kiss ako. Tapos bigla kong naisi na siguro nga ay wala ng ibang tapat sa mundong ito kundi aso kaya sa mga asi ko na lang ibinaling ang atensyon ko. Nag-aalaga ako ngayon ng maraming aso.”Gina

“Ang kamalasang narararanasan ko nu’ng bata a ako ay biglang nawala nang mag-alaga ako ng pusa. Kaya ngayon ay may tatlo akong usa na arang guwardya sibil kapag nakabantay sa akin. Hindi naman ako naiirita dahil alam kong mahal na mahal nila ako. At nasisiguro ko in na wala namang lalaki na magbibigay sa akin ng ganoong jlase ng pagmamahal.” — Agot

Marami talagang kababalaghan na nangyayari sa ating mundo, nasa sa’yo kung maniniwala ka o hindi kaya lang huwag na huwag ka namang makakalimot na maging mabait, hindi lang sa kawa mo kundi sa lahat ng nilalang na nabubuhay sa mundong ito. Kabilang na siyemre ang mga hayop na umaasa at nangangailangan din ng pagmamahal at kalinga. Hindi naman mahira gawin iyon kung gugustuhin mo.

Sa katunayan nga ay malaki a ang advantage noon sa’yo dahil ikaw din naman ang susuwertehin. Lung ayaw mo pa ing maniwala, makabubuting subukan mo na in munang mag-alaga ng pusa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here