MGA HALAMAN NA MAGBIBIGAY SAYO NG PERA AT SWERTE

1. PACHIRA MONEY TREE

Ito ay isa sa mga pangkaraniwang halaman na mabilis mong matatagpuan. Madalas natin itong nakikita sa mga parke, lawn, o kahit sa gilid-gilid lang. Kinikilala bilang isa sa mga halaman na nagdadala ng swerte hindi lang yon pati magandang enerhiya.

2. LUCKY BAMBOO

Isa pa sa mga listahan ay ang bamboo. Itong halaman na ito ay hindi lang basta swerte ito rin ay kakaiba. Sa feng shui, ang lucky bamboo ay tagapagtanggol mula sa masasamang vibes. Ang bamboo ay hindi mo na kailangan ilagay sa lupa para lumaki, kailangan mo lang ilagay siya sa maganda, transparent na vase na may sapat na dami ng tubig.

3. MONEY PLANT TREE

Isa pa sa mga kilala, halata naman sa pangalan niya. Ang money plant ay gumagana sa parehong paraan, pwedeng itanim sa lupa at diligan palagi o gumamit ng lumang baso at hayaan itong magsaya sa tubig. Ang isang alamat na nauugnay sa money plant ay nagsasabi na ito ay pinakamahusay na yumabong kapag natanim pagkatapos ng isang pagnanakaw.

4. PALM PLANT

Ang pinakatahimik, malaki, at magandang gawin dekorasyon ay walang iba kundi ang Palm plant. Ang pinakamagandang lugar para ilagay ito ay malapit sa pintuan kung san pumapasok ang mga tao. Ang palm plants ay isa sa mga pinakamagandang halaman na nagbibigay ng swerte sa iyong pintuan at tinatanggap nito ang iyong mga bisita ng may saya, swerte at kasariwaan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here