Mga gawi na dapat gawin upang maging laging positibo

Umpisahan ang iyong araw ng isang magandang ngiti. Humanap ng isang bagay o salitang positibo pagising at itatak ito sa isipan.

Pumili ng isang positibong bagay o salita na isasagawa sa bawat araw.

Bago sumabak sa anumang gawain para sa isang araw  pag-isipan muna itong maigi kung ano ang mga hakbang na dapat gawin upang ito ay magampanan ng naayon sa kagustuhan mo.

Harapin mo ang mga bagay na ikinakatakot mo.

Kung nag-iisip ka ng mga bagay na nais mong gawin ngunit ikaw at may takot na baka ikaw ay makutya lamang ng mga taong nakapaligid sayo na baka ikaw ay kanila lamang pagtatawanan papaano mo ito gagawin kung wala pa man at nauuna agad ang takot sayong isip at puso. Maging positibo kang kayang mong gawin ang bagay na naiisip mo, wagkang magpadala sa takot at pangamba sa halip isipin ang mga positibong mangyayari.

Iwasan ang pagiging reklamador.

Lahat ng problema ay may kaakibat na sulosyon at hindi ito maaaring idaan sa mga reklamo lamang humanap ng ibang anggulo dito o ibang paraan upang maisaayos ang anumang problema.imbis na magreklamo ka mas maganda kung ikaw ay maghanap ng paraan upang ang reklamo mong ito ay masulosyonan.

Laging maging positibo sa lahat ng oras,kung may aberya mang mangyayari isipin na kasama ito sa pag-abot ng iyong mga pangarap.

Ngumiti sa kahit anumang sitwasyon ang iyong kakaharapin.tawanan ang problema saka ka humanap ng sulosyon para dito. Ang pagkakaroon ng positibong pananaw at isipan at daan upang ang mga pangarap mo sa buhay ay iyong makamtan.

Sabayan mo lagi ng sipag tyaga buong tiwala sa iyong sarili at pananalig

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here