MGA GAMIT NA ENERHIYA SA ATING KATAWAN

0
72
Flora Rivera

Flora Rivera

Flora Rivera is a well known writer of tagalog romance pocketbooks who became interested of health awareness when her firstlab test showed a few health issues. From that time on, she began eating healthy for she believes that eating the right food can cure any sickness.
Flora Rivera

Ang enerhiya ay nanggagaling sa mga cells natin matapos na ma-convert sa enerhiya ang glucose mula sa mga kinain natin sa tulong ng insulin hormone na ginagawa ng ating pancreas o lapay. Ang enerhiyang ito ay ginagamit ng katawan natin sa iba’t ibang paraan:  pisikal, mental at emosyonal.

MGA GAMIT NG ENERHIYA SA ATING KATAWAN

  • Mental Energy

Kailangan ng ating utak ang patuloy na supply ng enerhiya para patuloy na mapangalagaan ang ating buhay. Ang lahat ng ating ginagawa na gumagamit ng utak ay nangangailangan ng enerhiya para gumana: trabaho, paglilibang, pagbabasa, pag-aaral, pagsagot sa mga crossword puzzle at pati na ang pananaginip. Lahat ng gawaing may kaugnayan sa paggamit ng utak ay nangangailangan ng enerhiya para maisagawa. Ayon sa Franklin Institute, ang mga selyula ng utak ay nangangilangan ng dobleng enerhiya, higit sa iba pang selyula ng katawan. Enerhiya ang kailangan para sa kalakasang mental kung saan ang pag-iisip ng maayos ay nakasalalay rin sa enerhiya ng ating katawan. Ang kakulangang ng enerhiya at makakaapekto sa ating mga gawain na nangangailangan ng isip at utak

Napakalawak ng ginagawa ng ating utak at ang stress at iba pang nakakadagdag na isipin ng isang tao ay nakakaubos ng enerhiya. Kung ating papansinin, ang labis napag-iisip ay nakakapanghina sa atin at nakakawala ng ating sigla. Ngayon ko nauunawaan na nadi-drain pala ang ating mental energy dahil sa sobrang gamit ng ating isip. Ito ang nagiging dahilan kung bakit madali tayong kapitan ng sakit.

  • Para sa maayos na takbo ng ating metabolismo, Ang mga proseso ng ating metabolismo ay kinabibilangan ng paghinga, pagkain, pag-iisip, paghahatid ng mga sustansya sa iyong mga selula, paggamit ng enerhiya sa pamamagitan ng pisikal. Kung baga sa sasakyan,  enerhiya ay nagsisilbing gasolina ng ating katawan upang ito ay makatakbo ng maayos. 

Lahat ng ginagawa ng ating katawan, sa labas at loob, ay nangangailangan ng enerhiya maging ang pag-aalis ng mga basura sa ating katawan sa pamamagitan ng pagdumi, pag-ihi at pagpapawis. Enerhiya rin ang kailangan para sa ating mga kalamnan na responsable sa ating mga pisikal na gawain. Ang kakulangan ng enerhiya ay magpapahina sa ating mga masel na magiging sanhi ng kawalan ng kakayahang kumilos ng malakas.

  • Para sa ating panunaw na kailangang maging maayos upang ma-digest ang ating mga kinain at mailabas ang basurang hindi na kailangang ng ating katawan.
  • Para sa kalakasan ng katawan na gumawa ng mga bagay na nangangailangan ng pisikal na pagkilos. Ang mga nagtatrabaho sa   konstruksiyon at iba pang mabibigat na gawain ay higit na nangangilangan ng enehiya para makaagapay ang katawan sa kailangan nitong gawin.

Mula sa loob hanggang sa labas, enerhiya ang kailangan natin para ito gumana ng maayos.  Kapag kulang sa energy ang ating mga cells, asahan natin na ang iba pang aktibidades na ating ginagawa ay maapektuhan.

Ngayong alam na natin ang mga gamit ng enerhiya sa ating katawan, gawin nating makabuluhan ang bawa’t enerhiyang ilalabas nito.

Maligayang pagbabasa!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here