MGA FENG SHUI TIP PARA MAGING MASUWERTE SA TRABAHO

247

Rey de Leon

Author/Psychic/Photographer/Blogger

Gusto mo bang i-improve ang iyong productivity at kasiyahan sa trabaho? Oras na para i-feng shui mo ang iyong workplace.

        Narito ang ilang basic feng shui tips na maaari subukan para dumaloy ang positibong enerhiya sa iyong workplace at ma-achieve ang productivity at happiness sa trabaho.

1.   Iharap ang desk sa may entrada ng opisina o kaya ay cubicle. Sa ganitong ayos, madali mong makikita kung sino-sino ang mga taong pumapasok opisina at maihahanda mo ang iyong sarili para sa kanilang sadya.  Kung wala nang space para ibahin ang puwesto ng iyong desk, maglagay na lamang ng salamin sa harap ng desk mo para makikita mo pa rin ang mga pumapasok sa opisina.

2.   Kung nakaharap nga ang desk mo sa pinaka-entrace, tiyakin mo namang ito ay hindi naka-linya sa pinaka-pintuan. Masasagap mo ang lahat ng klaseng enerhiya na hatid ng mga taong nagtutungo sa inyong opisina—mabuti man ito o masama.

3.   Tiyaking walang anumang furniture na nakaharap sa pasukan o entrance ng opisina upang hindi ma-block ang “Chi” energy. Isa pa, ang maluwag na pasukan ay nakapagbibigay ng welcoming feeling sa lahat ng mga pumapasok.

4.   Kung ang layout ng opisina ay irregular at may nakalabas na mga haligi, maaari itong ma-remedyuhan sa pamamagitan ng paglalagay sa boring na space ng salamin, makulay na paintings, o kaya ay halamang buhay. Isang taktika upang ma-welcome ang positive energy sa workplace ay kung gagawing kaaya-aya ang kaayusan ng interior nito.  Gawing cozy ang ambiance sa pamamagitan ng paglalagay ng couch na may modernong disensyo at sasamahan ito ng mga colorful at malalambot na mga throw pillows.

5.   Ang glass walls ay maganda sa mata at nagbibigay ng modern touch sa anumang opisina. Maaliwala at spacious din tingnan ang opisina na may glass wall dahil sa malayang nakapapasok ang natural na liwanag dito. Subalit ang glass walls ay may problema pagdating sa privacy issues. Maaaring maglagay ng mga blinds sa glass walls na maaaring buksan at isara anumang oras kailanganin.

6.   Gawing panuntunan ang “Yin” at “Yang” sa pagdi-disenyo ng opisina. Nangangahulugan na dapat ay balanse ang kulay, mga hugis, at texture ng opisina. Ang sobra sa alinmang elemento ay may hindi magandang epekto. Panatilihing balanse ang lahat upang makabuo ng welcoming at peaceful environment.

7.   Siguraduhing tama ang lighting ng opisina. Malaki ang epekto ng liwanag ng ilaw sa mood ng mga taong nasa opisina. Ang sobrang maliwanag na ilaw ay masakit sa mata at sa ulo. Ang dim na ilaw namay ay nakakaantok. Samakatuwid, dapat ay sakto lamang ang lightning. Kung ikaw ang may-ari ng opisina, subukang mag-install ng full-spectrum lights at maglagay ng mga table lamps na hindi masakit sa mata. Magiging productive ang iyong mga empleyado kung hindi masakit ang kanilang mga ulo o kaya ay inaantok-antok.

8.   Paigihin ang air quality sa inyong workplace sa tulong ng mga air-purifying plants. Kailangan ng utak ng maraming oxygen para ito ay gumana ng maayos. Ang paglalagay ng mga buhay na halaman sa opisina ay hindi lamang makapagdagdag ng oxygen production kundi makapagdudulot rin ng refreshing at environmentally-friendly na ambiance. Sa Feng Shui, ang Fortune Plant ay may hatid na suwerte. Subukang maglagay nito sa iyong desk.

9.   Maglagay ng  fountain o aquarium ang opisina. Ayon sa Feng Shui, ang tubig ay naghahatid ng pera. Ang tunog mula sa lumalagaslas na tubig ay isang mainam na breaker sa hectic na workplace.

10.               Gawing clutter-free ang opisina. Tiyaking nasa wastong lugar ang lahat—walang sala-salabat na cords at mga nakakalat na mga papel at iba pang abubot. Nakaka-drain ng energy ang magulo at chaotic na workplace.

11.               I-reflect sa iyong workplace ang uri ng enerhiyang gusto mong imbitahan sa pagpili ng tamang kulay para sa interior design. Bawat kulay ay may katumbas na Feng Shui elements. Ang red ay apoy. Ang berde ay Earth. Ang grayish colors ay metal. Ang blue ay water element. Ang brown and muted colors ay para sa wood.

Ipinapaalala ko lamang na ang mga ibinigay kong Feng Shui tips ay gabay lamang upang ang positibong enerhiya at suwerte ay dumapo sa iyong workplace. Isa sa susi upang magkaroon ng productive na workplace ay teamwork. Dapat na siguruhing may harmony ang bawat isa sa opisina. Matutong makisama at makibagay sa mga katrabaho. Higit sa lahat, maging sinsero at tapat sa iyong tungkulin.

SHARE
Previous articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Disyembre 11, 2019
Next articlePamahiin; Karoling
Author/Psychic/Photographer/Blogger

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here