MGA FENG SHUI REMEDY PARA MAPAAMO ANG MASUNGIT NA BOSS

    472

    Terror ba si boss? Huwag mag-aalala sapagkat matatapos rin ang araw ng iyong pagtitiis sa pamamagitan ng ilang feng shui cure o remedy na aking ibabahagi.

            Mahirap tuwirang i-address ang ilan sa mga factor kung bakit nagiging terror ang isang boss. Pero isa sa maaaring tingnan na anggulo ay ang kaniyang zodiac o animal sign. Isa pa sa posibleng factor ay ang maling puwesto ng kaniyang lamesa na dahilan kung bakit laging mainit ang kaniyang ulo at tensyonado sa trabaho.

            Wala ka nang magagawa sa mga nabanggit na factor sapagkat ang mga iyon ay personal circumstance na ng iyong boss. Ngunit, may ilang basic Feng shui cure o remedy para sa office hostilities.

    1.   Maglagay ng faceted crystal sa iyong cubicle o working table/area. Inu-neutralize nito ang bad energy ng iyong terror na boss na lagi na lamang mainit ang dugo sa iyo.

    2.   Gumamit ng flat bagua. Ayon sa San Diego-based feng shui expert Peter Manjuck, maaaring maglagay ng flat bagua sa iyong desk/cubicle na ang salamin ay nakaharap sa direksiyon ng opisina ng iyong terror boss. Iri-repel ng nasabing Bagua ang negative energy na inira-radiate ng iyong masungit na boss. Bukod dito, makatutulong rin ang bagua upang ma-neutralize ang bad vibes ng iyong amo.

    3.   Mag-display ng maliit na Laughing Buddha figurine sa iyong desk. Magsisilbi itong force field laban sa negatibong attitude ni boss.

    4.   Maglagay ng fresh apple sa iyong table. Itinuturing ang mansanas sa feng shui bilang isang friendly fruit. Katunayan, ang Chinese term ng mansanas na “Ping” ay nangangahulugang kapayapaan. Ang pula o berdeng mansanas sa iyong table ay nanghihikayat ng peace energy sa inyong opisina.

    5.   Ibahin ang puwesto ng iyong table.  Kung posible, ipuwesto ng nakatalikod sa pintuan ng opisina ng iyong boss ang iyong table. Kung ang iyong table ay nakaharap sa direksiyon ng iyong boss, ikaw ay nasa tinatawag na “challenging position”, Bad feng shui layout ang ganitong posisyon sapagkat ito ay nanghihikayat ng tensiyon, pagtatalo, at hindi pagkakaunawaan.

    6.   Maglagay ng lucky bamboo plant sa left side ng iyong table at isang bowl ng tubig sa right side. Ang Earth (lucky bamboo) at water element ay magiging balanse sa iyong working area, dahilan upang ma-harmonize ang kabuuang feng shui element.

    7.   Mag-visualize. Maging positibo sa lahat ng pagkakataon. Imagin si boss na masaya siya sa pananatili mo sa kompanya o trabaho. Magpakitang gilas ka. Magtrabaho ng maayos at mahusay. Huwag mali-late. Makisama ng mahusay sa mga katrabaho.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here