MGA EPEKTIBONG PARAAN UPANG MATANGGAL ANG LAHAT NG NEGATIBONG ENERHIYANG NAKAKAPIT SA ATING KATAWAN

640

Sa ayaw natin at sa gusto, makakapitan at makakapitan tayo ng negative energy sa ating paligid.

        Sa araw-araw, iba’t ibang tao ang nakakasalamuha natin na may iba’t ibang antas o lebel ng enerhiya sa katawan. Ang mga negatibong enerhiya ay nakakahawa. Dagdagan pa ng ilang mga pangyayaring susubok sa haba ng iyong pasensiya. Ang lahat ng ito ay malaking factor upang mag-accumulate ang negative energy sa ating aura.

        Kapag puno ng negatibong enerhiya ang ating katawan, tayo ay nagiging iretable, masasakitin, nawawalan ng lakas at focus, o kaya ay nakararanas ng mga kahirapan at kamalasan.

        Mahalagang alisin natin ang lahat ng negatibong enerhiya sa ating katawan.

        Unang paraan na dapat gawin ay ang baguhin ang paraan ng ating pag-iisip. Magkaroon ng positibong mindset. You attract what you think and you get what you believe. Kung negatibo kang mag-isip, negatibong bagay rin ang maa-attract mo.

Isa pa sa paraan upang maalis ang mga negatibo sa ating katawan ay sa pamamagitan ng paliligo ng tubig na hinaluan ng isang dakot na rock salt. Ang negative energy ay kumakapit sa ating aura o electromagnetic field. Ang asin ay mabisang panlinis ng ating aura. Kapag nararamdaman mo ang ilang negatibong senyales, kaagad kang maligo ng tubig na may asin.

        Malaking tulong rin ang pag-iwas sa mga negatibong tao at pangyayari. Sabi nga sa 1 Corinthians 15:33 ” Bad company corrupts good character.” Nakakahawa ang pagiging nega. Kung puro nega ang kasama mo, tiyak na apektado ang enerhiya mo. Umiwas rin sa mga masasamang gawin at gawi tulad ng pagmumukmok, selos, inggit, at iba pa sapagkat ang mga ito ay nagi-envoke ng negative energy.

        Subukan rin ang pagsi-shielding upang maprotektahan mo ang iyong aura. Bago lumabas ng bahay, i-visualize ang sarili na nalulukuban ka ng puting ulap. Ito ang magsisilbi mong barrier sa mga negatibong enerhiya sa paligid.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here