MGA EBIDENSIYA NA PEKE ANG MOON LANDING NG APOLLO 11

Ravenson Biason

Ravenson Biason:Writer/Novelist/ Blogger/ Artist/ Composer/Cartoonist
Ravenson Biason

Atin pong hihimayin ngayon ang mga ebidensiya ng mga kritiko at mga theorists na pawang mga nagsasabing ang paglapag ng Apollo 11 Space Capsule sa buwan ay isang malaking panlilinlang at peke. Anu-ano ang mga inilalatag nilang ebidensiya para patunayan na huwad ang nasabing misyon batay sa mga larawan at video footage? Narito po ang mga sumusunod.

–         Pansinin ang space capsule nang lumapag sa buwan na sinakyan ng mga astronaut. Ayon sa masusing pagsisiyat, ang inaakala nating dambuhalang sasakyan ay may sukat lamang na 4 na talampakan. Kung gayun, lumalabas na ang 2 sa 3 astronaut na sakay nun ay tinatayang nasa 7 o hanggang 8 talampakan ang taas— dahil halos kapantay lang nila ang naturang space capsule o Lunar Lander Module Eagle.

–      At noong unang bumaba ang astronaut na si Neil Armstrong sa naturang space capsule, may nakaabang agad na video o nakunan agad ito ng video batay sa inilabas na video footage ng NASA. Lumalabas kung gayun, na bago pa nakababa si Armstrong sa moon surface ay may nauna nang nakarating dun at kinunan ang kanyang pagbaba. Sino rin ang kumuha ng litrato kay Buzz Aldrin gayung si Neil Armstrong ay naglalakad sa paligid na kita sa kanyang astronaut face suit? Si Michael Collins ay nasa Lunar Lander lang na nagbibigay ng instraksiyon sa dalawa.

–         Ayon sa mga eksperto, walang hangin sa space lalo na sa buwan. Nang itarak ng isang astronaut ang bandila ng Amerika ay kapansin-pansing gumagalaw ito na binabayo ng hangin.

–         Kapag nasa kalawakan ang isang space shuttle o kapag nasa buwan, natural na may makukuhang alikabok yan. Ni hindi man lang nabahiran ng alikabok o walang nakitang crater sa pook na kinalapagan ng sasakyan ng mga astronaut. Sinasabi ng mga eksperto na puro craters ang makikita sa moon’s surface. Pero, sa inilabas na larawan ng awtoridad, kapansin-pansin na walang craters sa buwan. Sa halip, parang disyerto o buhanginan ang kabuuan ng espasyo sa buwan.

–       Kung halimbawang nasa buwan ka, siya, o tayo, hindi makikita mo makikita ang iyong anino roon. Walang anino ang dapat na makita dahil sa buwan mismo nanggagaling ang liwanag na hiram nito galing sa araw. Ang liwanag ay tumatalbog sa buwan mula sa araw at tumatama sa earth, kung kaya sa mundo makikita ang anino. Pero sa inilabas na larawan ng NASA, kapansin-pansin ang anino ng dalawang astronauts na naglalakad-lakad sa buwan.

–      Dahil sa ang buwan ay walang atmospera, natural na bukas na bukas ang himpapwid nito sa mga heavenly bodies. Kung ang isa ay nasa buwan, makikita niya ng detalyado ang mga bituin. Pero, sa lumabas na mga larawan, walang anumang bituing lumabas.

–         Papaanong  nalampasan ng Apollo 11 capsule ang radiation ng Van Allen sa magnetic field ng mundo?  Na kung saan 2,500 rem ang malilikha nitong radiation kada taon. Imposible sa isang sasakyan ang makalabas o lumampas dito dahil sa matutunaw ito dahil sa mataas na temperatura.

        -Nang lumapag ang Lunar lander sa buwan, ni walang lumalabas na visible flame rocket mula sa puwitan ng Lunar lander Eagle. Dapat ay umuugong ito ay umaapoy dahil galing sa biyahe.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here