Mga Dumi Ng Hayop sa Panaginip, Suwerte Rin Ba?

Sa pamahiin, sinasabing ang makatapak ng dumi ng aso ay suwerte. Gayundin ang maiputan ka ng dumi ng ibon o butiki. Pinaniniwalaan na ang mga duming ito ay hope in disguise. Hangga’t tayo raw ay dumudumi, ibig sabihin lang na ang buhay natin ay nagpapatuloy at meron pang pag-asa. Subalit ganito rin kaya ang hatid nitong mensahe kung ito ay sa panaginip mo mangyari?

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga kahulugan na nais ipahiwatig sa’yo ng mga dumi ng hayop kung ito ay mapapanaginipan mo.

IPOT NG BUTIKI

Sa pamahiin, ang ipot ng butiki ay may suwerteng hatid sa pananalapi. Sa panaginip, ito ay nangangahulugan na mayroon kang malayong kamag-anak na nangangailangan ng iyong tulong. Ang tulong na nais niya sa’yo ay makakatulong din sa’yo.Halimbawa ay kailangan niya ang tulong mo para sa itatayo niyang negosyo o kailangan niya ang tulong mo para sa isang pagkakakitaan na pareho kayong makikinabang.

IPOT NG IBON

Kung sa panaginip mo naman ikaw ay naiputan ng isang ibon, ang mensaheng hatid nito ay hindi kagandahan para sa’yo. Ang ibig sabihin ay isang tao na malapit sa’yo ang nagnanais ng kalayaan mula sa’yo. Siya ay naghahangad na makawala sa iyong anino o sa iyong paggabay. Ito ay maaaring kapamilya mo na ayaw nang magpasakop sa’yo. Kaibigan na gusto nang tapusin ang pakikipagkaibigan sa’yo. Maaari rin namang karelasyon na gusto nang makipaghiwalay sa’yo.

DUMI NG ASO

Kung dumi naman ng aso ang iyong napanaginipan, ito ang dapat mong ikatuwa, dahil mapamahiin o panaginip man ay iisa lang ang kahulugan nito, suwerte. Isang malaking suwerte. At ito ay may kinalaman sa pananalapi. Malaki ang posibilidad na ikaw ay kumita ng malaki sa negosyo, manalo sa sugal o ma-promote sa trabaho na magiging dahilan para lumaki ang iyong sweldo.

DUMI NG TAO

Kung sarili mo namang dumi ang iyong napanginipan, ito ay nagpapahiwatig na may mga bagay kang kailangang alisin sa sarili mo. Kailangan mong magnilay nilay at isipin ang iyong mga pagkakamali at pagkukulang. Meron kang attitude na hindi nakakatulong sa’yo. Sikapin mo na matugunan ang mensaheng hatid nito kung ayaw mong ikaw mismo ang magpahamak sa sarili mo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here