MGA DO’S AND DONTS’ SA PAGSALUBONG SA CHINESE NEW YEAR UPANG BUONG TAON MO AY MAGING MASUWERTE

206

Rey de Leon

Author/Psychic/Photographer/Blogger

Naniniwala ang mga Tsino na anumang bagay na iyong gawin sa pagsalubong sa Chinese New Year ay makakaapekto ng malaki sa iyong suwerte sa darating na taon. Maraming bagay ang dapat tandaan upang hindi ka magkamali.

1.   Iwasang uminom ng gamot. Labis na ipinagbabawal sa China ang paghahanda ng herbal medicine o pag-inom ng gamot sa unang araw ng lunar year sapagkat pinaniniwalaang kapag ito ay iyong sinuway, ikaw ay magiging sakitin sa buong taon. Sa ibang lugar sa China, sa oras na tumunog ang kampana bilang hudyat ng New Year’s Day, binabasag ng mga taong may karamdaman ang kanilang gallipots o medicine pot sa paniniwalang itataboy nito ang karamdaman.

2.   Huwag magwawalis o ilalabas ang mga basura.  Ang pagwawalis sa araw na iyon ay katumbas ng pagtataboy mo ng suwerte. Ang paglalabas naman ng basura ay simbolo ng pagtatapon mo ng magandang kapalaran palabas ng inyong tahanan.

3.   Huwag kakain ng lugaw o karne sa agahan. Ito ay dahil pinaniniwaalang mahihirap na tao  lamang ang kumakain ng lugaw sa kanilang almusal. Dahil dito, ipinagbawal ang pagkain ng lugaw sa agahan dahil ito ay masamang omen para sa darating  na taon. Ang hindi naman pagkain ng karne bilang almusal ay tanda ng paggalang kay Buddha na pinaniniwalaang tutol sa pagpatay ng anumang hayop.

4.   Huwag maglalaba at maghuhugas ng buhok. Ang mga Chinese ay hindi naglalaba ng damit sa una at ikawalang araw ng Bagong taon sapagkat ang mga araw na ito ay kaarawan ni Shuishen (水神) na Diyos ng Tubig. Maging ang buhok ay bawal hugasan sa unang araw ng lunar year. Sa Chinese language, ang buhok ay katunog ng fa in facai  (发财) o kayamanan. Samakatuwid, ang paghuhugas ng buhok ay katumbas ng pagtatanggal mo ng pagkakataong yumaman sa pagsisimula ng bagong taon.

5.    Bawal gumamit ng karayom at iba pang matutulis na bagay. Ang paggamit ng karayom, kutsilyo, at gunting sa paniniwalang puputulin nito ang iyong suwerte para sa buong taon.

6.   Ang mga ikinasal na babae ay hindi pinahihintulutang bisitahin ang kanilang mga magulang. Ito ay dahil sa paniniwalang siya ay maghahatid ng malas sa kaniyang mga magulang. Ito ay magdudulot ng krisis sa kabuhayan. Ang mga kababaihang ikinasal ay maaaring dumalaw sa kanilang mga magulang sa ikalawang araw ng Bagong Taon.

Iba Pang Paalala

Narito pa ang ilang bagay na dapat tandaan sa pagsalubong ng Chinese New Year.

1.   Panatilihing kalmado at tahimik ang mga sanggol dahil ang pag-iyak nila ay maghahatid ng kamalasan.

2.   Iwasang makabasag ng kahit na anong kasangkapan dahil ito ay magdudulot ng kahirapan.

3.   Huwag dadalawin ang kakilalang nasa ospital dahil iuuwi mo sa inyong bahay ang kaniyang sakit.

4.   Huwag magpapahiram ng pera sa Bagong Taon, at kinakailangang mabayaran ang lahat ng pagkakautang bago ang New Year’s Eve. Huwag ring pupuntahan sa bahay nila ang taong nagkakautang sa iyo upang singilin siya dahil ito ay malas.

5.   Tiyaking puno ang lalagyan ng bigas, asukal, at asin upang maiwasan ang pagdarahop.

6.   Huwag magsusuot ng may sira o punit na damit sa pagsalubong sa Bagong Taon.

7.   Huwag magsusuot ng kulay puting damit sapagkat ito ay karaniwang isinusuot sa patay.

8.   Huwag magbibigay ng mga regalong matutulis tulad ng gunting, kutsilyo, at iba pa dahil ito ay malas.

SHARE
Previous articleChinese Horoscope; Enero 23
Next articleOnline Horoscope by Maestro Honorio Ong January 23, 2020
Author/Psychic/Photographer/Blogger

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here