Sa ngayon bigyang pansin natin ang request ni Karen Hidalgo.
Dear Sir Govinda Jeremaya,
Lucky po ba ako sa negosyo at pag-ibig po?
Karen Hidalgo
Sa’yo Karen Hidalgo,
Oo, ang sagot sa lucky ka ba sa negosyo. Ang totoo nga, sobrang lucky ka sa pagnenegosyo.
Ibig sabihin, hindi ka lang yayaman kundi ikaw ay magiging sobrang yaman sa negosyo. Dahil ang palad mo mismo ay palad ng mga masusuwerteng negosyante. Na ang pahabol na kahulugan hindi ka isinilang para lang mamasukan.
Sa Lovelife, bawal sa’yo ang maagang mag-asawa at kung hindi sinasadya ay nakapag-asawa ka ng maaga , mahihiwalay ka lang , bakit? Dahil nga bawal sa’yo ang mag-asawa ng maaga.
At dahil sa ikaw ay papasok sa larangan ng pagnenegosyo narito ang ilang tagubilin sa’yo:
1) Higit sa lahat kailangan mong maging masinop na ang ibig sabihin ang mga pwede pang gamit kahit luma na ay huwag mong itapon.
2) Ang pagtitipid ay isabuhay mo dahil ang mga nagsiyaman ay matipid hanggang napakatipid.
3) Simpleng buhay, ito rin ay isa sa natatanging katangian ng mga yumaman, madali lang din namang maunawaan susi na ito sa pagyaman dahil ang taong hindi simpleng mabuhay ay nababaon sa utang.
4) Magkuripot ka! Ito rin ay nagpapayaman sa tao. Hindi ito maganda sa paningin ng iba kaya lang isa rin ito sa sekreto ng mayayamang tao.
Madamot! May bahagyang pagkakaiba ang madamot sa kuripot. Ang madamot hindi nagbibigay pero ang kuripot nagbibigay ’yon nga lang konti lang.
5) Higit sa lahat pahalagahan mo ang mga materyal na bagay dahil kung pag-aaralan mo ng malaliman ang yaman at materyal na bagay ay iisa lang naman.
6) At ang huwag na huwag mong kakalimutan na ang pangunahing dahilan kung bakit ang gusto ng tao ay ang magnegosyo, ang talagang gusto niya ay ang siya ay yumaman. Kumbaga, huwag ka na lang magnegosyo kung hindi rin lamang pagpapayaman ang nasa sa isip mo.
7) Red o Pula ang lucky color mo kaya gamitin mo ang kulay na Red sa negosyo mo. Pansinin mo, Karen Hidalgo, ang mga negosyong mauunlad ay gumagamit ng Red. Dahil ang Red ang isa sa tunay na dahilan kung bakit mabiling-mabili ang paninda ng isang negosyo.
Bilang panghuli ayon sa palad mo, tiyak ang pagyaman mo. At ang mga nasa itaas na pormula ng pagpayaman ay lagi mong isabuhay. Pero, may isang bagay na mahalagang iyong tatandaan habang ikaw ay nabubuhay sa kasaganahan.
Nasusulat, “Hindi lamang sa tinapay nabubuhay ang tao, kundi sa bawat salitang lumalabas sa bibig ng Diyos.”
Ibig sabihin, isabuhay mo rin ang mga gawaing pang-kabanalan tulad ng pakikibahagi sa mga charitable advocacy at iba pang mga gawain at aktibidad na sa mata ng langit ay nagbibigay kasiyahan.