Mga Dapat Kainin ng Isang Vegan

0
152
John Ryan Cornista
John Ryan Cornista

Latest posts by John Ryan Cornista (see all)

Kapag sinabing Vegan, ang ibig sabihin ay hindi ito kumakain ng karne ng hayop o tumatangkilik sa anumang produkto na nagmula sa hayop. Kaya ang mga pagkain na dapat sa kanila ay pili lamang at ilan sa mga pagkaing ito ay ang mga sumusunod.

1.SITAW- Ang sitaw o kilala din sa pangalang  string beans, green beans, snake beans, Chinese long beans at tinatawag ding yardlong beans at Baguio beans sa Pilipinas ay isa sa mga pagkaing kinakain ng isang vegan.Ang sitaw ay isang magandang source para sa fiber, potassium at folate. Bukod dito, ay nagtataglay rin ang sitaw ng protein, iron at zinc. Matatagpuan din sa sitaw ang anti-oxidants na taglay rin ng green tea na kung tawagin ay catechins na may kakayahan namang iimprove ang kalagayan ng puso. Nakakatulong din ito sa pag-iwas sa cancer at diabetes.

2.TOKWA- Mainam din ang tokwa para sa mga vegans.Mas mataas ang iron na makukuha sa tokwa kaysa sa mga meat. Ito ay nakapagbibigay ng protina at kumpleto sa siyam na mahahalagang amino acids. Pinagmumulan din ito ng calcium, manganese, selenium at phosphorous. Taglay din ng tokwa ang magnesium, copper at bitamina B1. Makakatulong din ang tokwa sa papapababa ng timbang.Kung ikaw ay nagda-diet, mainam din sa’yo ang tokwa dahil taglay nito ang lahat ng essential amino acids na kailangan sa pagda-diet.

3.YOGURT. Pwede rin sa isang vegan ang yogurt. Kung ikaw ay gumagamit ng antibiotics mapapakinabangan mo ang yogurt bilang antidote.Isa ito sa mga importanteng pagkain para sa iyong diet. Nagagawa rin ng yogurt na balansehin ang ating blood sugar. May malaking naitutulong din ang yogurt para sa kalusugan ng mga kababaihan. Ang lactobacillus na taglay ng yogurt ang siyang humahadlang sa pagdami ng candida (uri ng fungus) at vaginitis sa vagina.

4.GATA- Ang gatas na mula sa coconut ay itinuturing na miracle liquid. Ito ay dahil sa mga kamangaha-manghang benepisyo na naibibigay nito sa ating kalusugan, sa loob at labas ng ating katawan.Pinalalakas nito ang ating immune system at iniiwas tayo sa mga sakit.Pinakamainam itong source ng medium-chain fatty acids. Nagagawa nitong palakasin ang kondisyon ng ating puso sa pamamagitan ng pagpapababa nito sa blood pressure at cholesterol.

Ilan lamang ‘yan sa mga pagkaing pasado sa isang vegan. a

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here